MA at PA
ni Rommel Placente
NAPANOOD namin ang Netflix movie na Doll House na bida si Baron Geisler, bilang si Rustin, na isang drug addict/musician at si Althea Ruedas, bilang si Yumi na gumaganap na anak niya. Pero hindi nito alam na siya ang tunay ama. Ang pagkaalam ni Yumi ay isa lang niyang baby sitter si Rustin.
In fairness, nagustuhan namin ang pelikula. Naiyak nga kami habang pinanonood ito. Marami kasing mga eksena rito na talagang nakaiiyak.
At muling pinatunayan ni Baron sa pelikulang ito kung gaano siya kahusay na aktor.
Lutang na lutang talaga ang pagganap niya sa halos lahat ng eksena niya. At maging si Althea ay mahusay sa movie, huh! Natural siyang umarte.
Maraming mga kasamahan sa industry ni Baron ang pumuri sa kanya, isa na rito ang kaibigan niyang si Paolo Contis. After watching Doll House, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ay minura nito si Baron, dahil nga sa husay sa pelikula.
Kaakibat ang litrato ni Paolo na maluha-luha at gulanit ang damit. Hanash niya sa kanyang FB account, “Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo! Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal”
Maging si Aga Muhlach, ay impressed sa acting na ipinakita ni Baron nang mapanood sa Doll House. At napahanga rin siya ni Althea, huh!
Nag-post ng mahabang-mahabang message si Aga sa kanyang Instagram account nang papuri para kina Baron, Althea, at sa lahat ng bumubuo ng nasabing pelikula.
IG post ni Aga, “DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! pinahanga mo ako! Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nito.. Mabuhay kayo! D ako muubusan ng sasabihin.. @mavxproductions and that little girl! @althearuedas Amazing! You made me cry as well! You were so good all through out the movie! congratulations sa inyong lahat! Dami ko iniyak dito! Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta take a bow! bravo! ”
O ‘di ba, coming from Aga na isang award-winning actor ay napahanga ni Baron at ni Althea?
Congrats Baron at sa lahat ng bumubuo ng pelikula!