ni Ed de Leon
TALAGA naman palang may nakaraan ang isang talent manager at isang sikat na male star ngayon. Noon daw hindi pa nakukuhang artista si male star, talagang ginastusan naman siya ng kanyang manager. Kung minsan nag-aabot pa raw si manager para sa pangangilangan ng pamilya ni male star.
Noong maipasok ni manager si male star sa trabaho, at suwerte namang sumikat siya, tinalikuran na ni male star ang manager na naghirap sa kanya. Nang sumama ang loob ng manager, isinumbat pa umano ng male star na lahat naman ng tulong niya ay “sinuklian niya ng serbisyo.”
Hindi na nga sila nagkita pa pagkatapos niyon.