I-FLEX
ni Jun Nardo
UMABOT na ng isang taon ang news program ng GMA News and Public Affairs na Dapat Alam Mo nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak.
Kakaiba ang technique at presentation ng daily news programa. Mabilis ang reporting at may aliw factor ang inilalabas nilang feature.
Sa patuloy na telecast ng Dapat Alam Mo, umaga’t hapon ay napapapanod na si Kuya Kim at dama ang walang pagsisisi sa kanyang paglipat sa GMA Network, huh.
May TikToclock na sa umaga, may Dapat Alam Mo pa sa hapon si Kuya Kim.