Monday , November 18 2024
Dr Michael Aragon Jericka Madrigal Ericka Bale

Erica at Jericka napasabak ng aktingan; makukulay ang buhay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WAGAS talaga kung tumulong ang founder at presidente ng Kapasinan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc, (KSMBPI) na si Dr. Michael Aragon dahil linggo-linggo ay nagbibigay siya ng update sa ginagawa nilang pelikula, ang Socmed Ghosts kasabay ng pagpapakilala at pagmamalaki sa mga bida rito. 

Ayon kay Dr. Michael, tapos na ang  shooting ng horror-advocacy movie at sisimulan na rin nila ang kasunod nito sa Nobyembre. Pangako kasi ni Doc Michael, buwan-buwan ay may kailangan silang matapos na pelikula para mabigyang pagkakataon ang mga sumailalim sa kanilang workshop na maipakita pa ang kanilang talento.

Tulad ni Chase Romeo na napanood noon sa Ang Probinsyano, siya ang nabigyang pagkakataon para magbida rito sa Socmed Ghosts kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan nito sa KSMBPI.

Ang sunod namang nakausap namin ay sina Erica Blake at Jericka Madrigal na malaki at importante rin ang gagampanang papel sa pelikula.

Gagampanan ni Jericka ang role ni Lyka na napasabak sa child prostitution dahil sa kanilang mga magulang. Si Erica naman ay si Cassandra ang nakatatandang kapatid ni Lyka na isa ring sex worker.

Aminado kapwa ang dalawa na nahirapan sila sa mga unang araw ng kanilang shooting pero mabilis nilang nakasanayan ang kanilang ginagawa. Lalo na si Jericka na matagal na palang umaarte.

Ani Jericka, nagdo-double na siya sa mga teleserye at nagmo-model na rin. Si Erica naman ay  game magpa-sexy kung kailangan. Idol niya si Andrea Brillantes at ang Vivamax bombshell na si Christine Bermas. At dahil kumakanta rin siya, idolo niya si Sarah Geronimo.

Parehong makulay ang buhay nina Jericka at Erica kaya nakatitiyak kaming marami silang paghuhugutan ng kanilang akting. 

Ang Socmed Ghosts ay idinirehe nina Jojo Albano at Karlo Montero, katuwang sina Pete Mariano at Jeremiah Palma.

Muli inulit ni Doc Mike na napapanahon at may social relevance ang kuwento ng Socmed Ghosts movie na siya mismo ang nagsulat. Ukol kasi ito sa extra judicial killings, extreme hunger and poverty, child prostitution at climate justice.

Ang mga tauhan sa pelikula ay nabiktima ng nasabing pangyayari. Namatay sa baha at paglapastangan sa kalikasan, nalason sa pagkain ng pagpag dahil sa kahirapan, pagbubugaw ng sariling mga magulang para ibenta ang anak at extra judicial killings.

Sinabi pa ni Doc Mike na sa pamamagitan ng kanilang pelikula, maipakikita roon ang kanilang advocacy na makatulong at maipakita sa mundo ang mga kaganapan sa ating bansa.

Idinagdag pa ni Doc Mike na walang halong politika ang mga pelikulang gagawin ng KSMBPI. 

Ipalalabas din ang Socmed Ghosts sa iba’t ibang parte ng mundo at isasali nila sa iba’t ibang film festivals abroad. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …