PINAIIMBESTIGAHAN ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang ginawang pagbisita ng mga pulis sa tahanan ng mga reporter.
Sa isang resolusyon na inihain ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagbisita ng mga pulis ay labag sa privacy ng mga reporter.
Sinabi sa House Resolution 484, ang pagbisita ng mga pulis sa mga bahay ng mga journalist ay maitituring na “infringement of their right to privacy, as well as the right to information of the people, among others.”
Sa panig ni Rep. Edcel Lagman ng Albay, ang ginagawa ng mga pulis ay katulad ng “tokhang” at dapat itong itigil.
“Crusading journalists need police protection from threats and harm, not police intrusion into their privacy,” ani Lagman.
“The recent unannounced visits of police officers, mostly in plainclothes, to the homes and studios of selected broadcasters is reminiscent of the intrusive and illicit ‘operation tokhang’ on drug suspects,” paliwanag niya.
Anang kongresista ng Albay, ang ginawa ng pulis ay isang uri ng “harassment” na dapat itigil dahil ito ay pamamaraan ng pagsupil sa malayang pamamahayag. (GERRY BALDO)