Saturday , November 23 2024
Jace Roque

Jace Roque’s Inferno album planong gawing mini-film

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAGOS sa puso kaya marami ang nakare-relate sa mga awitin ng singer/composer na si Jace Roque

Sa totoo lang hindi inaasahan ni Jace na magugustuhan o tatangkilikin ng netizens ang single niyang Trust. Ang Trust ang ikatlong track sa album niyang Inferno na umabot sa mahigit 1 million views. Gayunman, malaki ang pasasalamat niya dahil nawala man siya sandali marami pa rin ang sumuporta sa kanyang pagbabalik.

Kaya naman muling naglabas si Jace ng bagong kanta noong October 14 na talaga namang makabagbag-damdamin din ang atake at mensahe, ito ang Back to the Beginning na siyang bubuo sa mini album na ginawa niya. 

Sa pakikipagtsikahan namin kay Jace sinabi nitong, “It is all about the struggle of growing up. Istorya ng anak na hirap sa kung ano ang idine-demand ng magulang sa kanya. Siyempre maraming expectations ang mga magulang natin sa atin as much as possible na tina-try nating ibigay.”

Masayang malungkot na naikuwento ni Jace kung paano naubo ang ikaapat na single.“Rito sa awitin parang it’s never enough kasi ang idini-discuss ko rito is ‘yung middle syndrome kasi middle child ako. Kasi may mga bagay na na-experience ko tulad ng double standards na okey lang gawin ng kapatid ko pero pagdating sa aking hindi pwede. Na in terms of academics din an isa sa mga siguro biggest hurdle ko noong teen ako kasi supposedly music production ang gusto ko pero noong sinabi kong iyon ang gusto ko sinabi nilang, ‘hindi namin babayaran ‘yang tuition fee mo.’ Which is nakasakit talaga sa akin kasi iyon ang passion ko tapos ayaw nilang suportahan. So ang nangyari naghanap ako ng course na hindi ko gusto pero kaya kong tapusin.”

Ang tinutukoy na course ni Jace ay ang Hotel and Restaurant Management sa St. Benilde na kahit hindi niya gusto eh naging Dean’s lister pa siya at on time nakapagtapos. 

Bagamat kinuha niya ang kursong ito may pakiusap naman siya sa mga magulang niya. “Ito ang gusto ninyo ibibigay ko pero sana pagka-graduate ko ako naman ang masunod. Which is ibinigay naman nila after graduation pero kahit ibinigay nila kung 14 years ako sa showbiz, 12 years naman nila akong sinasabihang maghanap ng totoong trabaho.”

Aminado si Jace na sobra siyang nasaktan sa sinabing ito ng kanyang mga magulang dahil totoong trabaho sa kanya ang pagko-compose at pagkanta.

Subalit napawi ang lungkot na ito nang mag-klik nga ang kanyang mga awitin kasama pa ang pagiging nominado niya sa People’s Voice Favorite Male Artist category sa 35th Awit Awards na magaganap sa November 23, 2022, sa Newport Performing Arts Theater.

Inilahad pa ni Jace na “Kaya ko nagawa ang song na ito. Lahat ng naramdaman ko that time, inilabas ko rito. Sabi ko nga, kung bibigyan ng chance, gusto kong bumalik sa younger years ko pa na siguro mga 5 or 6 years old, ‘yung masaya ka lang. ‘Yun ang gusto kong i-share sa ‘Back To The Beginning.

“Para talaga ito sa lahat ng parents, gusto kong i-impart na times are changing kaya dapat ‘yung  parenting style nagbabago at nag-a-adapt din. Ang mga magulang dapat ang unang sumusuporta at nagbibigay ng unconditional love and support sa nga anak.

“Kaya nakare-relate ako kapag sinasabing napakahirap magpalaki ng magulang. Kasi minsan sila pa ang unang babasag sa pangarap mo.”

Ukol naman sa pagbabalik niya sa pag-arte, ito ang nasabi niya. “Iyon ang pinag-uusapan ngayon na makabalik sa acting kasi ang huling acting project ko e 2017 pa.”

At kung gagawan naman ng music video ang mga makabagbag-damdamin niyang awitin, “Hindi namin ginawan kasi ang hirap pa ring mag-stage ng production ngayong pandemic. Mas ano ako sa logistic parts kasi ang dami nating kailangang i-consider ngayon dahil ang mga teleserye ngayon eh nagla-lock-in pa rin siya. Ipinagdarasal ko na sana next year lumuwag-luwag na para kayanin,” aniya.

Naibahagi pa ni Jace na ang talagang plano sa apat na kanta ay mini-film dahil sa tagpi-tagpi ang istorya nito. “Ako lang talaga ang gaganap dahil ang focus doon ay ang pinagdaanan ko. Pero tingnan natin next year kung ano po ang mangyayari,” sambit pa ng magaling na singer.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …