Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sunshine cruz

Sunshine umalma sa bashers: Wala sa edad ang magpapasaya sa akin

MA at PA
ni Rommel Placente

NIRESBAKAN ni Sunshine Cruz ang kanyang bashers sa social media.

Pati kasi ang mga dance challenge videos na ginagawa niya at ipino-post sa kanyang socmed accounts ay pinakikialaman at ninenega ng ilang netizens.

Banat ng mga hater, sa edad niyang 45 ay hindi na raw siya dapat nakikiuso sa mga ginagawa ng mga kabataan ngayon sa socmed, lalo na ang mga pa-sexy dance challenge.

Ayon pa nga sa isang basher hindi raw magandang tingnan para sa isang nanay na may tatlo nang dalagang anak ang kanyang ginagawa.

May isa namang tumawag sa kanya ng trying hard at tigilan na ang pagpo-post ng mga dance challenge sa kanyang socmed account. Bigyan naman daw niya ng kahihiyan ang tatlong babaeng anak nila ni Cesar Montano.

Pero ang bwelta sa kanila ni Sunshine, wala sa edad ang paggawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanya lalo pa’t wala naman siyang inaagrabyado o inaapakang tao.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ni Sunshine ang mga kapwa niya  babae at mga magulang na i-enjoy lang ang buhay at huwag na huwag magpapadikta sa ibang tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …