Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhys Miguel Prick Quiroz

Rhys Miguel minolestiya umano ng singer-actor na si Prick Quiroz

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

USAP-USAPAN ngayon ang pagbubulgar ni Rhys Miguel na umano’y minolestiya siya  ng singer-actor na si Patrick Quiroz

Sa pamamagitan ng isang video post sa social media inilahad ng dating Pinoy Big Brother housemate kung ano ang ginawa umano sa kanya ni Patrick. Nagkatrabaho sina Patrick at Rhys sa Kapamilya web series na He’s Into Her.

Paglalahad ni Rhys, nangyari ang umano’y panghaharas sa kanya ni Patrick nang magkasama sila sa lock-in taping sa isang proyekto.

Umpisa ni Rhys sa kanya 22-minute video sa Instagram Live,, “Kilala n’yo si Patrick Quiroz?”

May mga sumagot ng “yes” saka nlya inilahad ang nangyari, “Nakita ko siya sa isang taping. Sa una wala akong problema sa kanya, pero binabastos niya mga babae na kasama namin.

“‘Yung babae, may hawak na lollipop, tapos ‘yung sinasabi ni Patrick, ‘wow, buti naman kasya ‘yung malaki sa bibig mo,’” kuwento ng binata.

Gusto raw sanang komprontahin at suntukin ni Rhys si Patrick pero pinigilan niya ang sarili. Wala rin naman daw siya nang mangyari ang insidente at hindi niya personal na nasaksihan ang sumbong ng mga kasamahang babae.

Pero ang hindi niya pinalampas ay ang ginawa ng singer sa kanya.

Ana lng PBB ex-housemate, nagising na lang siya sa kanilang kwarto kasama si Patrick at nakita ang nagkalat na tissue paper na ginamit daw ng huli matapos paligayahin ang sarili.

Noong natulog ako, ‘yung buong tabi ko, lahat ng tissues na ‘yan… had cum filled with it.

“After that, noong nagising ako, eto na raw, malambot ‘yung hotdog ko. Jinaj*k*l niya ‘yung lambot ng hotdog ko,” kuwento ni Rhys na ang tinutukoy ay ang kanyang private part.

Tumayo at hinabol daw niya si Patrick pero nakapagtago raw ito kaya hindi na niya nausisa nang harapan.

Giit pa ni Rhys, kahit matagal nang nangyari ang insidente ay sariwa pa rin ito sa isip niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay at talagang may trauma pa siyang nararamdaman.

Sabi rin ni Rhys, ginawa niya ang pag-amin, “to spread awareness and to tell his own story.”

Idinagdag pa ni Rhys na marami pa siyang nalamang sikreto ng mga kasamahan niya pero wala siyang balak ipagkalat dahil hindi naman siya diretsahang involved doon.

Paglilinaw pa niya, hindi siya agad nagsalita tungkol sa nangyari at mas pinili munang manahimik dahil  alam niyang ipatitigil ng kanyang magulang ang production at airing ng tinutukoy niyang teleserye.

If this came out, the series is over. But I kept going, I stayed strong for the series,” sambit niya.

“Sabihin n’yo kahit anong gusto n’yong sabihin. Sinasabi ko lang ’yong totoo. Itanong mo kahit kaninong cast members kung ano ’yong totoong alam nila lahat,” dagdag pa ng binata.

Actually, mas marami akong p’wedeng i-spread na tsismis sa mga cast member ko. Hindi ko sasabihin kasi hindi ’yan ’yong story ko. Ito ’yong story ko,” anoy.

“I don’t care if I’m trending. Ang gusto ko gawin ’yong awareness… Wow! Lalaki, may hitsura, artista pa… whatever. Ganoon pa rin ’yong ginawa n’ya… Hindi ako okey. Nangyari ito last year. Hindi pa rin ako okey,” giit pa ni Rhys.

Bukas ang Hataw sa panig ni Patrick ukol sa akusasyong ito ni Rhys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …