Sunday , December 22 2024

‘Hijacking’ sa Comelec?
‘BILYONARYO’ MULA SA OLAT NA PARTYLIST PINANUMPANG MAGSASAKA REP           

101322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

LANTARANG pambababoy sa batas at partylist system ang ginawang pagpoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa talunang partylist nominee bilang kinatawan nang nagwaging Magsasaka partylist.

Inihayag ito ni dating Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat kahapon sa isang press conference sa Quezon City matapos iproklama ng Comelec si Robert Nazal, Jr.,  bilang kinatawan ng Magsasaka partylist kahit siya’y talunang nominado ng Pasahero partylist nitong nakaraang 2022 elections.

“Isang bilyonaryo, hindi na nga mukhang pasahero, lalo namang hindi mukhang magsasaka,” ani Cabatbat.

Sa naging desisyon ng Comelec aniya ay puwedeng ipakahulugan ng mga mayayaman na kapag natalo sa eleksiyon ay puwedeng pumunta sa poll body para ‘bumili’ ng puwesto sa nanalong partylist.

Nanindigan si Cabatbat, hindi bonafide member ng Magsasaka partylist si Nazal bagkus siya ay founder at nominee ng Pasahero partylist na natalo nitong 2022 elections at naging nominee rin ng Bagong Henerasyon partylist na hindi nagwagi noong 2019 elections.

“Kung bakit pinayagan ng Comelec ang ganitong pambababoy sa batas ay sila lang ang nakaaalam. Labag sa batas ang pagpapaupo kay Nazal dahil hindi naman siya naging miyembro ng Magsasaka – isa sa mga requirement ng batas para maging nominado ng isang party-list,” ani Cabatbat.

Batay sa caption ng ilang larawan na ipinaskil sa Facebook, tinukoy si Nazal bilang Pasahero partylist nominee sa nakaraang halalan.

Sinabi ni Cabatbat na posibleng nakipagsabwatan si Nazal, hindi lang sa Comelec, kundi sa pinatalsik nilang opisyal na si Soliman “Dexter” Villamin, Jr., para masungkit ang puwesto bilang  kinatawan ng Magsasaka partylist.

Si Villamin at ilang opisyal ng DV Boer Farm Inc. ay nakakulong sa patong-patong na kasong syndicated estafa at swindling.

Maging ang mga naging biktima ni Villamin sa multi-bilyong agri-investment scam ay naghain ng manifestation sa Comelec bilang pagtutol sa petisyon ni Villamin na kilalanin ang kanyang paksiyon bilang lehitimong Magsasaka partylist pero hindi nabigyan ng tsansa ng poll body na ipaliwanag ang kanilang paninindigan.

Ani Cabatbat, naghain  sila ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema laban sa desisyon ng Comelec na pumabor kay Nazal.

Pinag-aaralan ng grupo ni Cabatbat ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban sa mga opisyal ng Comelec bunsod ng “betrayal of public trust.”

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …