Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl

Herlene Hipon bibida na sa isang drama series sa Siete

RATED R
ni Rommel Gonzales

SUMABAK na sa familiarity workshop ang cast ng upcoming GMA drama series na  Magandang Dilag, na pagbibidahan ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Herlene na excited na siyang makatrabaho ang ilang iniidolong Kapuso stars. Kasama niya sa workshops ang co-stars niyang sina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez, at Adrian Alandy.

Ilang bigatin at veteran stars pa gaya nina Christopher De Leon, Sandy Andolong, at Chanda Romero ang makakasama ng beauty queen sa nasabing serye.

“Parang dati pinapanood ko lang sila ngayon kasama ko na. Parang hindi pa rin po pumapasok sa utak ko na nandito na ako. Nakikita ko sila, nakakasama at nakakausap ko na,” ani Herlene.

Ayon kay Herlene, malapit sa kanyang puso ang gagampanan niyang karakter na si  Gigi dahil iikot ang mundo nito sa fashion.

Dagdag pa niya, ipinaalala rin ng serye ang naging sagot niya sa Q&A ng Binibining Pilipinas.

“Naididikit ko yun, ‘because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission’. Feeling ko maraming nakare-relate na mga tao,” sabi pa ni Herlene.

Samantala, malaking hamon naman para kay Maxine ang gagampanan niya bilang kontrabida.

Mas intense ang pagiging kontrabida niya kay Herlene kompara sa character niyang si Loraine sa seryeng First Yaya

“Alam mo roon ako nahirapan. I know her story. I know her background. I know her very well. So, ito naman ako ngayon na nandito ako sa situation na kailangan ko siyang awayin,” sambit ni Maxine.

Magiging leading man naman ni Herlene sina Benjamin at Rob.

Binanggit ng dalawa na ngayon pa lang ay naaaliw na sila sa pagiging totoo at natural na komedyante ng kanilang leading lady.

She’s very wise, very funny and very cunning,” ani Rob.

“Makikita natin ‘yung side na kaya niyang mag-light comedy pero nandoon ang puso, ang drama. Nandoon pa rin ‘yung scenes na inaapi siya pero nandoon pa rin ang lightness niya,” paliwanag naman ni Benjamin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …