Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart deadma sa birthday ni Chiz

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Lunes, October 10 ay kaarawan ni  Sen. Chiz Escudero. Inabangan ng netizenz ang pagbati sa kanya ng misis na si Heart Evangelista, pero hindi nangyari. 

Natapos nga ang October 10 ay walang paramdam sa social media ang aktres.

Ayon sa ilang netizens, mukhang nagkanya-kanya na talaga ng landas ang celebrity couple dahil sa pangdededma umano ni Heart kay Chiz sa espesyal na araw nito.

Buti pa raw si Sen. Robin Padilla hindi nakalimot bumati sa ika-53 kaarawan ng kapwa niya senador na nagpasalamat naman sa kanya si Chiz. Pati na rin ang iba pang kilalang personalidad.

Ilang netizens din ang bumati kay Chiz at nagsabing umaasa sila na magkakaayos ang mag-asawa lalo pa’t suot pa rin ng senador ang kanilang wedding ring.

Napansin din nila na hindi pa rin binabago ng senador ang nakasulat sa profile ng kanyang IG account na: “Doting Dad. Happy Husband. Proud Public Servant.”

Samantala, sa Instagram account naman ni Heart marami ang nag-post ng tanong tungkol sa birthday ng kanyang asawa. Narito ang ilan:

“Wala man lang greetings, kumare? Sad.”

“Bakit po hindi mo binati si Chiz? Birthday niya kasi ngayon.”

“Madame, birthday po ng ex H(usband) niyo.”

Nasa Paris pa rin ngayon si Heart at balitang nakakuha na rin ng kanyang apartment doon. Mukhang tototohanin nga ng Kapuso actress ang sinabi niya na hindi muna siya uuwi ng Pilipinas.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at naglalabas ng official statement ang mag-asawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang pagsasama. Pero marami ang naniniwala na talagang hiwalay na sila. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …