Sunday , December 22 2024
Jonathan Manalo

Jonathan Manalo Most Streamed Pinoy Songwriter at Producer 

NAKAPAGTALA ng mahigit sa 1.4 billion streams sa Spotify ang musika ni Jonathan Manalo kaya’t siya na nga ang most streamed Filipino songwriter and record producer of all time.

At tiyak na masusundan pa ang tagumpay na ito sa paglulunsad niya ng bagong bersiyon ng kanyang mga awitin na binigyang-buhay ng OPM divas na sina Gigi De Lana, Jona, Kyla, Morissette, at Nina

Ang Di Ko Kayang Limutin ni Kyla, How Can I ni Nina, Always on Time ni Jona,  Patuloy Ang Pangarap ni Gigi, at Pagbigyang Muli ni Morissette ay bahagi ng The Music of Jonathan Manalo: 20 Years album.

Ipinagdiriwang ng bonggang album ang dalawang dekada ng paggawa ng musika ni Jonathan handog ang 20 tracks na siya mismo ang sumulat at nag-prodyus. Bago ito, inilunsad na rin ang pito sa album tracks noong 2021 kasama ang Pinoy Tayo remake ni Rico Blanco.

Nakatakda na ring maganap ang Mr. Music: The Hits of Jonathan Manalo concert sa  Oktubre 15 (Sabado), 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater. Tampok dito ang greatest hits ng tinaguriang Mr. Music na aawitin ng mga natatanging OPM artists.

Si Jonathan na kasalukuyang creative director ng ABS-CBN Music ang naging grand winner sa JAM: Himig Handog sa Makabagong Kabataan songwriting competition noong 2001 para sa komposisyon niyang Tara Tena

Mula noon, nakapag-prodyus na siya ng mahigit sa 1,600 recordings, nagsulat ng higit sa 500 songs, at nag-prodyus ng higit sa 200 albums. Ilan sa kanyang hits ang  Ililigtas Ka Niya ni Gary ValencianoPara Lang Sa’ Yo ni Ice SeguerraPaano Ba Ang Magmahal nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo, at Patuloy Ang Pangarap ni Angeline Quinto. Umani na rin ng mahigit sa 100 PARI gold at multi-plantinum certifications ang kanyang mga komposisyon at record productions.

Siya ang creative mind sa likod ng album ng mga tanyag na mang-aawit tulad nina Erik Santos, Kyla, Piolo Pascual, Juris, Jed Madela, KZ Tandingan, Inigo Pascual, Yeng Constantino, at Moira dela Torre.

Siya na ang maituturing na most awarded songwriter at record producer ng kanyang henerasyon na may mahigit sa 500 nominasyon at panalong natanggap. Kinilala rin siya bilang isa sa Ten Outstanding Music Artists ng nakaraang dekada ng National Commission for Culture and the Arts SUDI Awards noong 2021. 

Ilan pa sa mga tanyag na komposisyon niya tulad ng Tara Tena at Kabataang Pinoy ay naging bahagi rin ng unang original musical series ng iWantTFC na Lyric and Beat,  na mapapanood na ngayon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula Linggo (Oktubre 9), 8:30 p.m..  

Ipagdiwang ang musika ni Jonathan sa Mr. Music concert at pakinggan ang mga awiting bahagi ng kanyang anniversary album.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …