Friday , November 15 2024
knife, blood, prison

Hamong suntukan inayawan  
SIGA NANAKSAK TIKLO

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtitigas-tigasan sa kanilang lugar matapos saksakin ang isang kabarangay at manlaban sa mga tanod sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 10 Oktubre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Joselito De Dios, residente sa Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit na bayan.

Una rito, hinamon ng suntukan ni De Dios ang isang kabarangay ngunit hindi siya pinatulan at sa halip ay umiwas sa gulo.

Nang hindi pinatulan ang paghahamon ng suntukan ni De Dios, inundayan niya ng saksak ang biktima na kanyang ikinasugat kaya humingi ang ilang residente ng tulong sa mga barangay tanod.

Gayonman, maging ang mga nagrespondeng barangay tanod ay pinagtangkaang saksakin ng suspek at umamo lamang nang dumating ang mga pulis na dumakip sa kanya.

Nakakulong ang suspek sa Marilao MPS custodial facility habang inihahanda ang pagsasampa sa korte ng mga kasong Attempted Homicide at Direct Assault. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …