Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu Mary Anne

Ina ni Xian minsang may kunuwestiyon sa klase ng pagpapalaki sa anak

NAGING guest si Xian Lim at ang kanyang mommy Mary Anne sa You Tube vlog ni Kim Chiu. Rito ay sinabi ni Mommy Mary Anne na nasasaktan siya tuwing nadadawit ang pangalan ng kaisa-isang anak sa mga kontrobersiya at nakatatanggap ng pamba-bash online.

It’s really painful. Pero hindi kami pumapatol,” sabi ni Mommy Mary Anne

na agad namang sinang-ayunan ni Kim. “Yes, very zen [peaceful and calm] talaga sila.”

Kuwento pa ng mommy ni Xian, kahit siya raw noong bata pa ay madalas nang nakatatanggap ng pag-iintriga kaya naman natuto na siya kung paano niya ito harapin at lampasan.

Kahit noong bata pa kami, even in school maraming controversies and intriga. So, I’ve learned from there.

“Sabi ko ‘pag nagkaanak ako, tuturuan ko na hayaan mo lang sila, ‘di ba? They’ll get tired.”

Sumang-ayon naman si Xian sa sinabi ng ina.

Wala rin namang, I think lalo na sa panahon ngayon, hindi rin naman dapat pagtuunan siya ng pansin.

“Not just for artistas but, you know, sa mga nanonood ngayon na mga bata, kasi ‘di ba easily affected ‘yung mga tao ngayon kasi everyone has their opinion dahil may social media na,” sabi ni Xian.

Kapag bina-bash o bakatatanggap ng paninira o may problema, ang kanyang ina ang laging  takbuhan ng actor-singer na ngayon ay isa na ring direktor.

But you know, si Mom ‘yung una kong sinasabihan especially before when I was starting ang daming kuda-kuda, ang daming sinasabi ng bashers. Siyempre, may bashers.”

Pinag-usapan din ‘yung pagkuwestiyon ng isang tao noon tungkol sa pagpapalaki ni Mommy Mary Anne kay Xian.

Kuwento ni Xian, “‘Di ba mom mayroon pa nga, hindi na natin papangalanan pero mayroon pa ngang ‘yung sinabing hindi mo raw ako pinalaki nang maayos.’”

Na agad namang sinagot ng kanyang ina, “Yes, I feel so sad to that person.

“That person knows that we are talking about that person…I feel sorry for you,” ang patutsada pa ni mommy Mary Anne sa kumuwestiyon sa pagpapalaki kay Xian. (Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …