Friday , November 15 2024
Driver, sekretarya sugatan ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

Driver, sekretarya sugatan
ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan ng Marilao, Bulacan makaraang bawian ng buhay dahil sa aksidente ang kanilang alkalde sa lalawigan ng Pampanga nitong Linggo ng hapon, 9 Oktubre.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Marilao Mayor Ricky Silvestre matapos bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa Prince Balagtas Ave., Clark Freefort Zone, sa naturang lalawigan.

Sa panimulang imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nakatulog sa pagmamaneho ang driver ng alkalde na kinilalang si Rodel Alcantara na nagresulta sa pagbangga ng sasakyan nila sa poste dakong 5:40 ng hapon kamakalawa.

Dead-on-the spot si Silvestre samantalang sinusubukan pang i-revive ng mga manggagamot ang driver na nasa isang pagamutan sa Malolos, Bulacan gayundin ang sekretarya nilang kasama sa sasakyan na kinilalang si Karen Bonifacio na patuloy ding nilalapatan ng lunas sa ospital.

Sa kasalukuyan, nakaburol na ang labi ni Silvestre sa kanilang bahay sa Brgy. Patubig, Marilao habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …