Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gela Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia super proud sa pagrampa ng anak  na si Gela sa isang fashion show 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINO ba naman ang hindi magiging proud sa anumang achievement ng anak? Kaya relate much ako sa reaksiyon ni Sylvia Sanchez nang ibahagi nito ang latest na tagumpay ng kanyang anak na si Gela Atayde nang rumampa sa isang fashion event.

Hindi lang magaling sumayaw si Gela na unang nakita sa kanya, may talent din ito sa rampahan.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account, ibinahagi ni Sylvia ang mga litrato at video ni Gela na kuha sa unang pagrampa nito sa isang bonggang fashion bilang model-endorser ng isang sikat na local clothing brand.

Ani Sylvia, “To my dearest Gelatin—it was my honor to be with you in your first mainstream runway!

“I cheer you on — all the way!

“This is just the beginning. I love you my Gelatin,” sabi pa ng aktres gamit ang mga hashtag #benchfashionweek2022, #proudmom ni @ataydegela, #blessing at #thankuLORD.”

Ang mga kapatid ni Gela na sina Cong. Arjo at Ria Atayde ay aktibo sa pag-arte kaya may nagtanong sa amin kung mapapanood din ba si Gela someday sa telebisyon o pelikula. Ang sagot namin, ‘yan ang ating aabangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …