Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyline Alcantara Mavy Legaspi

Mavy kay Kyline — gusto ko siyang proteksiyonan at ayaw ko siyang masaktan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog naman ng magkasintahang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naging open ang una sa pagkukuwento kung kailan niya naramdaman na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa huli.

The first time na na-realize ko na hindi lang kaibigan si Kyline para sa ’kin is ‘yung nagiging close na tayo (Kyline) sa AOS (All Out Sundays),” simulang sabi ni Mavy.

Pagpapatuloy niya, “Umalis na si Cassy (Legaspi, kakambal niya) para mag-prep for ‘First Lady’ and all that. Tayo na lang naging close kasi umalis na si Migo (Adecer), nangibang bansa.

“Tapos there was a time na kami ni Ky, medyo awkward noong una kasi galing tayo sa apat, eh.

“After that mas nagiging close and all that tapos siyempre nag-ha-heart to heart [talk] na. You (Kyline) always open up to me about everything. As in everything.

“And during those times mas na-realize ko na ‘Shocks, I really want to protect this girl,’ iba na talaga ‘yung feeling. Hindi ‘yung protect her as my friend. But iba na ‘yung pagmamahal ko sa kanya na I don’t want anyone to ever hurt her again.

Kapag may mga issue ka, nahe-hurt din ako, two times, three times for you. If you’re going through something, nahe-hurt din ako. Roon ko na-realize na shocks, iba na talaga ‘yung feeling na ‘yun,” pag-amin pa ni Mavy.

Kapag nakikita kita anytime we have work, nag-i-slow mo ka. Madalas siya nangyayari sa stage (ng All Out Sundays) kapag lumalabas ka. ‘Yan ‘yung slow mo moment ko. At nasasabi kong, ‘Shocks, tumitibok na ‘yung puso ko,’” sabi pa ng aktor.

Talagang tinamaan pala si Mavy kay Kyline, huh! Syempre, kinikilig naman si Kyline sa rebelasyon ng boyfriend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …