Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix Ysabel Ortega

Miguel-Ysabel’s kissing video trending

RATED R
ni Rommel Gonzales

TRENDING ngayon ang kissing video ng What We Could Be stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Naganap ang halikan sa recent guesting nila sa ‘Sarap, ‘Di Ba?

Sa show kasi hosted by Carmina Villarroel at ang twins niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi ay nagkaroon ng tinatawag na Pa-Fell, Pa-Fall Challenge na segment sa araw na guest sina Ysabel at Miguel.

Ang challenge ay may papel na ilalaglag si Cassy sa magkaharap na mukha nina Ysabel at Miguel at sasaluhin nila ang papel gamit ang kanilang mga pisngi.

Tagumpay naman na nasalo ng dalawa ang papel.

Ang kaso, may round two pa ang challenge na pinapili sila ni Carmina kung ano ang gusto nilang gamitin na pangsalo sa papel; ilong, baba o nguso.

Nguso ang pinili ni Miguel dahil masakit daw kung ilong o baba ang kanilang gagamitin.

Halata namang nagulat si Ysabel sa pinili ni Miguel pero in-assure naman ng binata ang dalaga na masasalo nila ang papel.

Pero hindi nasalo nina Miguel at Ysabel ang papel kung kaya nagtama ang kanilang mga nguso kaya ang ending ay nag-lips-to-lips nang hindi sinasadya ang dalawa na kapwa nila ikinagulat at ikinatayo sa kanilang kinauupuan.

Dumagundong naman ang tilian at sigawan ng mga tao sa loob ng studio na obviously ay fans ng dalawa.

Ikinagulat at ikinatuwa naman nina Carmina, Cassy, at Mavy at ng guest nilang si Atak ang nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …