MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ni Kim Chiu saPep.ph, sinabi niya na napapag-usapan na nila ng boyfriend na si Xian Lim ang kasal.
Sabi ni Kim, “Napag-uusapan naman namin iyan, basta abangan ninyo na lang.
“Ano pa lang naman kami, 30, 31 years old. Sa day and age sa ngayon masyado pang maaga ‘yun.”
Sigurado si Kim na ang longtime boyfriend na si Xian na ang kanyang Mr. Right, na title ng kanyang kanta.
“Mr. Right naman talaga siya. ‘Di naman niya pinapasakit ang ulo ko.
“Xian is very loyal. Kahit iharap mo siya sa lahat ng girls, parang ako pa rin ang maganda,” kompiyansang sabi ng dalaga.
Si Kim ay nananatiling Kapamilya while si Xian ay lumipat na sa pangangalaga ng Viva Artists Agency at napapanood na sa GMA-7.
Sa tanong kay Kim kung anong advantages at disadvantages na nasa magka-iba silang managament ng boyfriend, sagot ng dalaga, “Wala naman. We are both doing our projects individually, separately.
“I think part din ito ng pag-grow namin kung ano ‘yung choice namin in life.”