Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED R
ni Rommel Gonzales

SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up PH stars na sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi sa TiktoClock.

Isa kasi sa mga host ng TiktoClock ay si Miss Universe Philippines 2020 at Sparkle artist Rabiya Mateo.

At alam ng lahat na kabi-break lamang nina Jeric at Rabiya, at una nilang pagkikita mula noong naghiwalay sila ay doon nga sa TiktoClock guesting nina Jeric at Yasmien.

At kahit hiwalay na ay sweetness overload ang napanood ng mga netizen sa dalawa na game silang nag-holding hands at nagyakapan sa pambubuyo na rin ng co-host ni Rabiya na si Pokwang.

After the episode ay nainterbyu si Rabiya at ayon sa dalaga ay wala silang naging ilangan ni Jeric sa muli nilang pagkikita.

Masaya naman kasi unlike noong mga nakikita ng mga tao na articles sa social media, na minsan fake talaga.

“Minsan, kami nga ni Jeric, nagugulat na, ‘O, ito ‘yung mga sinasabi nila na may ganito tayo, may ganyan.’

“But at the end of the day, alam ko kami ni Jeric, we’re good friends. And, mas kilala namin ‘yung isa’t isa more than anybody around us. So noong nagkita kami sa ‘TiktoClock,’ wala talagang halong awkwardness.

Magkaibigan kami, at hindi naman masama ‘yung nangyari sa amin kumbaga. So, we just had fun, and nakita ng audience ‘yun,” saad pa ni Rabiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …