Friday , November 15 2024
nakaw burglar thief

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery store at tumangay ng mga gamit at paninda sa bayan ng Candaba, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 2 Oktubre.

Batay sa ulat mula kay Pampanga PPO acting Provincial Director P/Col. Alvin Consolacion, dakong 1:00 am, nang magresponde ang mga tauhan ng Candaba MPS na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Karen Clark, hepe ng naturang estasyon, sa itinawag na insidente ng panloloob sa isang grocery store na matatagpuan sa Candaba Public Market, Brgy. San Agustin, sa naturang bayan.

Bago makalayo, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Renneland Pangilinan, residente sa Brgy. San Agustin; Jonar Sibug ng Brgy. Pasig; Eric Pangilinan ng Brgy. Pasig; Lester Mangila ng Brgy. Buas; at John Henry Simbulan, ng Brgy. San Agustin, pawang sa Candaba, Pampanga.

Samantala, nagawang makatakas at patuloy na pinaghahanap ang mga kasabwat nilang suspek na sina Joshua Jurado, ng Brgy. San Agustin; Bill David Balagtas, ng Brgy. Dalan Laon Pasig, parehong sa Candaba, Pampanga; at dalawang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Nasamsam ng mga awtoridad ang mga nakulimbat na mga gamit at mga paninda gayondin ang bolt cutter na ginamit ng mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Candaba MPS para sa patuloy na imbestigasyon at disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …