Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Fall Guy

Sean de Guzman, markado ang husay sa pelikulang Fall Guy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIGURADONG madadagdagan pa ang dalawang acting trophy ni Sean de Guzman para sa pelikulang Fall Guy. Ibang klase kasi ang ipinakita niyang husay ng performance rito, ibang Sean de Guzman ang mapapanood sa pelikulang ito ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Napanood namin ang private screening nito at talagang markado ang role ni Sean bilang biktima ng injustice ng mga taong mayayaman at makapangyarihan.

So far, dalawang Best Actor na ang napanalunan ni Sean sa international filmfest para sa Fall Guy. Ito’y sa sa CHITHIRAM International Film Festival sa India, na sinundan ng Anatolian Film Awards sa Turkey.

Next month ay sa Barcelona Filmfest naman pupunta mismo si Sean, kasama ang manager niyang si Ms. Len Carrillo para sa naturang pelikula. At tiyak na sa mga award giving bodies sa bansa ay mapapansin ang kakaibang husay dito ni Sean. Kaya malamang na madadagdagan pa ang acting trophy ni Sean para sa pelikulang Fall Guy.

Ipinahayag ni Sean ang sobrang kagalakan sa dalawang acting award sa international filmfest pa na nakopo niya, so far.

Sambit ni Sean, “Siyempre po nakakagulat talaga, dahil wala akong ine-expect na award, tapos ay international filmfest pa, hindi ba? Sobrang nakakataba ng puso, kasi ay may nakakapansin na kumbaga, ng talent (natin).”

Nabanggt din ng guwapitong aktor na wish niyang kilalanina din sa sariling bansa. “Wish ko po ay ma-recognize rin ako rito sa Filipinas, kasi iba pa rin yung mga nakakapanood dito sa Filipinas na mas ma-appreciate nila ito. Iba yung pakiramdam kasi rito kapag pinanaood nila yung pelikula.”

Mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions, kabilang sa cast ng Fall Guy sina Shamaine Buencamino, Glydel Mercado, Tina Paner, Jim Pebanco, Vance Larena, Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …