Friday , November 15 2024
Marian Rivera Dingdong Dantes Ceelin Caritas

DONG AT YAN PRIORIDAD ANG KALUSUGAN NG MGA ANAK; 
Nakibahagi sa #ImmunityForAllKids” ng Ceelin at Caritas  

KAPURI-PURI ang pagiging magulang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes lalo’t binibigyan nilang prioridad ang kalusugan na makikita sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang kanilang ginagampanang papel sa tunay na buhay—ang maging mabuting magulang. 

Ang pagiging magulang ay hindi biro, ang dami naming natutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinaka-kailangan natin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang darating na mga hadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” ani Dingdong. 

Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on momTandem kami. Siya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo. Mahalaga na roon pa lang sa prep stuff, kumbaga napapatibay at napapalakas na namin sila so  that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila,” ani Dingdong, host ng Family Feud Philippines.

At para palakasin ang immunity at panatilihing masigla sina Zia at Sixto, naging bahagi na ng kanilang buhay ang Ceelin Plus, isa sa mga produkto ng Unilab, ang nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa Pilipinas. Mayroon itong Ascorbic Acid + Zinc na nagbibigay ng dobleng proteksiyon kasama ang matatag na ZincPlus® Technology na nakatutulong na magbigay ng fully loaded immunity, kasabay ng tamang pagkain at healthy lifestyle. 

Nakatytuwa rin na kagaya ng ibang happily married couples, madaling nasusundan at nasusuportahan niMarian ang mga pahayag ng kanyang asawa: “Nag-eendoso kami ng isang produkto palagi na kailangan ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko. Ayokong i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako. Tulad nitong Ceelin, kasi sa bahay, ang mga bata Ceelin talaga iniinom nila since day 1. It’s very easy for us na i-feed sa kanila ang Ceelin kasi kilala na nila, alam na nila at kabisado na nila at iniinom talaga nila. ‘Yun ‘yung mahalaga sa akin.” 

Sinabi rin ni Marian na, “Nakikita namin ang benepisyo ng Ceelin, especially now nag-fi-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga. Hangga’t kaya mong ibigay at siguraduhin na secure ang kalusugan nila, lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo talaga. So nandyan ang Ceelin Plus para sa amin.” 

Katatapos lang ng trabaho ng mag-asawa sa kanilang GMA sitcom, ang Jose & Maria’s Bonggang Villa. Noong Mayo, inilabas din nila ang kanilang dokumentaryo na  MISS U: A Journey to The Promised Land’. Idinirehe ni Dingdong si Marian habang siya ay nasa Israel bilang judge sa ika-70 Miss Universe na nakausap niya ang mga overseas Filipina workers na mga katulad niyang nanay. Bukod sa Family Feud, si Dingdong ay nagho-host din ng Amazing Earth habang si Marian ay host pa rin ng  Tadhana

Aminado ang mag-asawa na overprotective parents parents sila.

“Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin sina Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksiyong tulad nito,” sabi ng mag-asawa.“Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, kasama ng Caritas Philippines!”  

Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Ceelin at Caritas Philippines, ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ng Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP). 

May 100,000 mga bata mula sa malalayong lugar o tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) na kulang sa nutrisyon ang nabigyan ng bitamina mula nang magsimula ang proyekto noong Marso 2022, na tumutulong sa kanila na palakasin ang kanilang resistensya sa sakit lalo na’t ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya. 

“Lahat ng mga bata ay may karapatang maging protektado at magkaroon ng magandang kalusugan at maging malakas ang resistensya laban sa sakit. Good health is a basic human right, but access to it is limited,” ani Dingdong at Marian.  

Para maibsan ang problemang ito, namahagi ang mag-asawa ng Ceelin vitamins sa mga batang nasa pangangalaga ng Caritas Philippines noong Setyembre 13 sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap mismo ng Immaculate Conception Cathedral na roon sila ikinasal noong 2014. Dumalo rin sina Bishop. Jose Colin M. Bagaforo, ang Pambansang Direktor ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos, Direktor ng Caritas Cubao at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato. 

ani Fr. Antonio “Tony” Labiao, Executive Secretary ng Caritas na: “Ito ay nagbibigay ng napakagandang pagkakataon para palawakin ang ating mga legacy programs. Salamat sa Unilab, at sa Ceelin, na walang sawang tumutulong sa Caritas Philippines, lalo na sa mga komunidad na palaging naaapektuhan ng mga bagyo.” 

Nangako naman ang proyektong No Child Left Behind na walang maiiwanang bata habang ang programa ay ginaganap sa buong bansa, mula sa matataas na lugar ng Bontoc sa Mountain Province hanggang sa mga liblib na isla sa paligid ng Tawi-Tawi, lahat ng may humigit-kumulang 1.2 milyon bata ay nakikinabang ngayong taon. 

“Nawa’y simula lamang ito ng isang tunay na pakikipagtulungan para mabuo ang ating mga komunidad,” sabi ni Bishop Bagaforo. “Dalangin naming ipagpapatuloy ng Ceelin ang kanilang proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa, katuwang pa rin ang Caritas at ang mag-asawang Marian at Dingdong.” 

Si Dingdong ay mayroong 3.7 million followers habang si Marian ay may 12.4 million followers sa Instagram. Sa Facebook naman, may 3.8 million followers si Dingdong habang 27 million naman si Marian. Sa kanilang mabigat na impluwensiya sa social media at ang kanilang status bilang power couple, maingat sila sa kung anong mga adbokasiya ang susuportahan sa kanilang mga social media

We recognize that all this is a giftbiyaya, na ibinibigay sa amin. Part of our responsibility is to really take care of these gifts at nagkaroon kami ng plataporma para magsulong ng iba pang bagay. So I think tama lang na gamitin natin sa wastong paraan ang mga ganitong bagay. Although pwede rin namang hindi, pero kami, we choose to do that,” ani Dingdong. “That’s why we [support] advocacies na talagang malapit sa puso natin. ‘Yun talaga ‘yung totoo eh, mahirap kasi na gumawa ka ng isang bagay na taliwas sa paniniwala mo. Kaya para sa amin, parang second nature na rin ito. It doesn’t feel like work at all because for us this is a way of life already. Ito ay isang misyon. Kinikilala namin na ito ay bigay ng Diyos.” 

Sinuportahan ni Marian ang sinabi ng kanyang asawa: “Si Dong palagi niya akong nire-remind na isa kami sa mga nabiyayaan na magkaroon ng ganitong klaseng trabaho at mahalin ng mga tao ng ganito. In return sa mga taong nagmamahal sa amin, nire-remind niya ako na gamitin natin sa tama at wasto itong biyaya na ibinigay sa atin na makatulong tayo sa ibang tao. Sinasabi niya, ang dami mong followers so use it para makatulong ka sa ibang tao. Minsan kasi ‘pag nanay ka na, ang dami mo ring ginagawa. Minsan ‘di mo na alam kung saan ka pupunta. Si Dong na lang nagsasabi–focus kung anong gusto mo. Focus on ano talaga nasa puso mo. Ayaw namin gumawa ng plataporma na hindi namin pinaniniwalaan at wala rin ‘yung puso namin. So, sa bawat post namin at ginagawa namin, gusto namin na nagre-reflect ‘yun sa amin at nakikita ‘yun ng mga taong nagmamahal sa amin. Mahal namin kayo. Mahal namin kung anong ibinigay n’yo sa amin, so let’s help each other.”  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …