Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PA
ni Rommel Placente

SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, tulad ng isa raw siyang malandi, laspag, at kabit.

Sa paratang na malandi, ang sagot ni Barbie, “Malandi lang talaga ako sa isang tao ‘pag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra ‘yung boyfriend ko. Pero hindi ako malandi. At proud ako sabihin na hindi ako ‘yung babae na agad-agad, kerengkeng agad-agad. Hindi ako ganoon.”

Hinamon din ni Barbie ang netizen na nagkomentong malandi siya.

Aniya, “Mag-DM ka sa akin sabihin mo kung bakit ako malandi, ‘tapos magre-reply po ako sa iyo.”

Tungkol naman sa paratang na kabit siya, na siya umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza, ito ang sagot niya,“Last year pa [sila hiwalay]. ‘Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang.”

Sina Carlo at Barbie ay nag-shoot ng isang pelikula, ang I Love You Lizzy, noong May 2022. Pagkatapos niyon ay na-link na ang dalawa.

Sundot pa ni Barbie sa paratang, “Ako na naman sinisisi ninyo. Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako, ‘no.

“Parang every time na may nagbi-break, ako talaga ang sinisisi, pero wala namang proof na ako talaga iyon.”

Giit pa ng aktres: “Hindi nga ako kabit, okay. Hindi.”

Bakas naman na  tumaas ang dugo ni Barbie sa paratang na laspag na siya.

“Grabe naman makalaspag, teh!” sabi ni Barbie, na sinabing pinipigil niyang magmura.

Laspag talaga?!

“First of all, hindi naman ako laspag, hello! Hindi ako laspag and I’m proud to say that, hello.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …