Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Alden Richards Start-Up PH

Start-Up PH trending agad

RATED R
ni Rommel Gonzales

IDINAAN ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang pasasalamat niya sa mga manonood ng Start-Up PH mula nang umere ito nitong Lunes, September 26 ng gabi.

Mula sa Start-Up PH Family, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa inyong pagsuporta and overwhelming reviews para sa aming show. Nakakakilig kayo,” sabi ni Bea sa kanyang IG post.

Ilang minuto matapos ang world premiere ng programa ay nanguna ito sa trending topics sa Twitter Philippines sa pamamagitan ng hashtag na #SUPHWorldPremiere.

Bukod dito, nakakuha rin ng mataas na ratings ang pilot episode ng Start-Up PH.

Sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils. TAM), nakakuha ng 9.7 percent na ratings ang bagong Kapuso program na mas mataas kompara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.

Sa Start-Up PH ay gumaganap si Bea bilang si Danica “Dani” Sison, at ang Asia’s Multimedia Star naman na si Alden Richards ay si Tristan “Good Boy” Hernandez.

Kasama nila rito sina Yasmien Kurdi bilang Katrina “Ina” Sizon/Diaz at Jeric Gonzales bilang Davidson Navarro.

Napapanood ang Start-Up PH  Mondays to Fridays, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …