Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog at higupin ng drainage system sa kasagsagan ng ulan sa Pandi, Bulacan, Setyembre 27.

Ang biktima ay kinilalang si Prince Marvin B Mortejo, 2-taong gulang, na ang pamilya ay naninirahan sa Pandi Residence 3, Mapulang Lupa kung saan naganap ang insidente.

Ayon kay Raymond Austria, Pandi MDRRM officer, dakong alas- 4:30 ng  hapon nang makatanggap sila ng tawag na may nalunod na bata sa kanal sa naturang barangay.

Agad silang nagsagawa ng rescue operation ngunit naging pahirapan ang paghahanap sa bata hanggang dakong alas-dose na ng tanghali kamakalawa, Setyembre 28 ay  natagpuan ang bangkay ng bata sa isang palayan.

Sinabi ni Austria na halos dalawang kilometro ang layo ng narating ng bata nang tangayin ito at higupin ng malakas na pagragasa ng agos ng tubig sa kanal.

Sa naging pahayag naman ng ina ng bata na si Jenita Basa, nagpaalam na maliligo sa ulan ang kanyang anak at isa pang kapatid nito na apat na taong gulang

IIang saglit pa aniya ay humahangos na umuwi sa kanilang bahay ang kapatid nito at sinabi sa kanya na nahulog sa kanal ang bunsong kapatid

Ayon naman sa nakasaksi sa insidente na si Jesus  Clamor, nang mahulog ang bata sa kanal ay sinubukan nila itong sagipin subalit sa lakas ng agos ay hindi na nila ito nakita pa.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay wala namang nakitang foul play sa pagkalunod ng biktima na kasalukuyang nakaburol ngayon sa kanilang tahanan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …