Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya na siya ang dahilan ng hiwalayang Carlo Aquino at Trina Candaza.

Sa latest YouTube vlog ni Barbie sinagot niya ang bintang at komentong siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. 

Ani Barbie, “Teh? Kailan ba sila naghiwalay? Kailan ba naghiwalay si at si Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo, this year lang. Ako na naman sinisisi n’yo?

Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? Parang everytime na may nagbi-break, ako talaga pero wala namang proof na ako talaga ‘yun.

“Guys sinabi ko na ito sa last vlog ko. Hindi nga ako kabit. Okay? Hindi,” dire-diretsong pagtatanggol ng aktres sa sarili.

Magkasama sa I Love Lizzy sina Carlo at Barbie kaya iniuugnay ang aktres sa aktor dahil madalas nga itong magkasama dahil sa pggawa ng naturang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …