Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng small celebration. Pero hindi niya na nagawang ipagdiwang dahil tinamaan siya, ang kanyang asawang si Paulyn Quiza, at ang baby nila na si Yatrick Paul ng COVID 19.

Kuwento ni Polo, “Nagkaroon na kami ng COVID dati pati siya (Paulyn), pati ‘yung baby namin tinamaan. Birthday ko pa last June. Mayroon dapat akong parang small celebration for my 40th birthday.  Naka-prepare na s’ya, nakahanda na lahat, tinamaan kami ng June 24, nagka-symptoms kami pati ‘yung baby. Kaya hindi natuloy plus nakita ko hindi omicron ‘yung tumama sa amin medyo malakas eh.

“Hinihingal kami. Good thing malakas ‘yung baby.”

Pero nilagnat ang kanilang baby ng two days. Kaya naiyak si Polo sa awa sa kanilang panganay. 

“So talagang naiiyak ako noon sabi ko, ‘My God ganito pala ‘yung feeling’. Hindi ko alam bakit ‘yung ibang tao minamaliit nila ‘yung Covid. Sa amin hindi omicron eh so, talagang ang tindi. So sabi namin ‘yung night out wala muna not unless importanteng -importante.”

Nagpapasalamat si Polo sa Nasa Itaas na okey na siya ngayon at ang kanyang mag-ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …