MA at PA
ni Rommel Placente
SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may pinagdaraanang problema sa buhay, doon niya malalaman kung sino ang mga tunay niyang kaibigan na handang dumamay at tumulong.
Sa kaso ni Vhong Navarro na naka-detain pa rin, may isa siyang kaibigan na hiningan ng tulong para matulungan sa kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo, pero umano’y dinedma lang siya nito.
Ito ay ayon kay Ogie Diaz na binanggit niya sa YouTube channel nila ni Mama Loi at Tita Jegs.
“Seen zone lang,” sabi ni Ogie.
Tanong ni Mama Loi, “Da Who?”
Hindi sinagot ni Ogie ang tanong ni Mama Loi. Bagkus ay nagbigay siya ng halimbawa na makikilala ang mga tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.
“Hay naku, siyempre roon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahong kailangang-kailangan mo sila.
“Kaya tama si Janus del Prado sa sinabi niyang, iba ‘yung personal friends sa taping friends or sa shooting friends or show friends.
“Masyado akong napaisip doon. Oo nga, ang tagal ko na rito (showbiz) at kakaunti lang ‘yung maituturing kong kaibigan sa showbiz. Siguro choice ko na rin na ito lang kami. Ito lang ‘yung circle ko hindi ko na dadagdagan pa ng iba.
“Dumating na rin kasi ako sa punto na noong araw ako’y na-libel case rin talagang humingi ako ng tulong sa iba kaya markadong-markado sa akin. Pagdating sa pakikiramay unang-una ‘yung nanay-nanayan ko, si Ate Cristy Fermin, ‘yan talaga!
“Haharang ng bala for you. Hahanap pa ‘yan ng mga kakilala kung sino ang puwedeng makatulong, tapos si Ate Lolit (Solis).
“Mabibilang mo lang talaga sa mga daliri kasi ‘yung iba, deadma. Ay si Aiko Melendez isa pa ‘yan! Sobrang mahal ko ‘yan, in fairness!” aniya pa.
Well, sino kaya ang tinutukoy ni Ogie na nang-dedma lang kay Vhong at hindi siya tinulungan?