Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil sa matinding pagkabagsak nito sanhi ng pagwo-work out.

Ibinahagi ni Cristine sa kanyang social media account ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa likod. Ito iyong nagwo-work out siya na sinusubukan niyang tumayo ng pabaligtad na ang nakatukod ay ang ulo. Hindi naging maayos ang pag-headstand niya kaya naman nawalan siya ng balanse at tumama ang kanyang likuran.

Kaya naman matinding pananakit sa kanyang lower back ang naging sanhi ng masamang pagbagsak ng aktres kaya kilailangang magpa-check-up nito sa espesyalista. 

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Cristine, nagkaroon siya ng mild disc bulge sa kanyang lumbar.

“Here I am today awesomely flipped over and slammed my back,” pagbabahagi ni Cristine.

“I have had 2 orthopedic surgeons check my lumbar MRI last week and a third opinion early this morning from an arthroscopic surgeon.

“I’ve been experiencing excruciating lower back pain. All 3 surgeons said the same thing,” paliwanag nito ukol sa kanyang kalagayan.

“I will be expecting a massive muscle spasm later for that classic fall I just recorded just now. Apparently, I have a mild disc bulge in my lumbar. At least, I now have prescription medz,” ani Cristine.

Marami sa mga kaibigan ni Cristine ang nagpahayag ng dasal sa mabilisang paggaling nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …