Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KarJon mananatiling Kapamilya

NILINAW kapwa nina Karina Bautista at Aljon Mendoza na hindi nila iniwan ang showbiz. Anang KarJon naging abala lamang sila sa kanya-kanyang career pero hindi sila nawala.

Tiniyak pa ng dalawa na mananatili pa rin ang KarJon love team kahit may ginagawa silang iba-ibang shows sa ABS-CBN.

I don’t think na ito ang pagbabalik kasi hindi kami talaga nawala. Mas passion ko kasi ‘yung hosting kaya ako talaga nagtuloy-tuloy sa pagho-host ng ‘Bida Star’ at ‘Star Hunt’ auditions,” ani Karina sa naganap na mediacon para sa  season 3 ng iWantTFC romcom series na Hoy Love You. 

“Happy naman kami kasi nagkakaroon kami ng workmates na iba’t ibang tao. Nagkakaroon kami ng opportunity mag-grow at saka makapag-explore. Tingnan natin, for sure, marami pa kaming projects na gagawin together,” sambit naman ni Aljon.

Samantala, three times the fun at kilig ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na Hoy, Love You.  

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC.  (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …