Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jela Cuenca

Jela ‘di takot ma-overexposed

SUNOD-SUNOD ang paglabas ng pelikula ni Jela Cuenca pagkatapos ng 5-in-1 Patay kang Manyag Ka (na napapanood na sa Vivamax simula Sept 23) pero hindi siya nag-aalala na mao-over exposed o pagsasawaan.

Ani Jela pagkatapos ng private screening ng 5-in-1, hindi niya akalaing magsusunod-suod ang pagpapalabas ng kanyang mga pelikula. Pagkatapos kasi nitong 5-in-1, na kasama niya sina Wilbert Ross, Ava Mendez, Angela Morena at Rose Van Ginkle, na idinirehe ni GB Sampedro, mapapanood agad sa September 30 ang Girl Friday. Dito’y kasama niya sina Angeli Khang at Jay Manalo na idinirehe ni Joel Lamangan. Susundan agad ito ng Pabuya sa October 7 kasama sina Diego Loyzaga at Franki Russell na idinirehe ni Phil Giordano, at sa October 14 ipalalabas ang Relyebo  kasama sina Christine Bermas at Sean de Guzman. Kaya pawang may Jela Cuenca festival, ha ha ha.

“Ako naman, basta trabaho lang nang trabaho. Natutuwa nga akong hindi ako nababakante at sunod-sunod ang projects na ibinibigay ng Viva sa akin kasi tumutulong ako sa family ko,” ani Jela.

At iginiit ng dalaga na nakatitiyak ang manonood na pawang iba-ibang atake ang ibinigay niya sa bawat karakter na ginagampanan niya. 

“I have to keep on reminding myself kung sino ang ginagampanan kong character sa isu-shoot ko that day. Iba-iba naman po ang characters ko.

At sa masasabi naming handa na si Jela na maging leading lady. Bagay sila ni Wilbert at kitang-kita ang chemistry nila. Bagamat kakaiba at marami silang sexy secenes sa pelikula, hindi naman iyon bastos kundi nakatatawa pa.

 “Sa ‘5-in-1’, ako si Lana Rose, isa sa limang babaeng pinagsasabay-sabay ni WIlbert Ross na isang successful businessman. Nang bigla siyang mamatay, ‘yung sister niyang madre, hinanap kung sino sa aming lima ang higit na karapat-dapat to inherit his businesses,” sambit pa ni Jela. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …