Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ava Mendez

Ava Mendez after maging sexy star, dream naman maging action star 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Ava Mendez sa limang naggagandahan at nagseseksihang babae na naging dyowa ni Wilbert Ross nang sabay-sabay sa pelikulang 5 in 1 na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Kasama rin sa movie sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Angela Morena, at Jela Cuenca.

Nauna rito, napanood si Ava sa pelikulang The Escort Wife na tinampukan din nina Janelle Tee at Raymond Bagatsing. Gumaganap dito si Ava bilang si Chrissy, isang high class na prosti na kailangang kumapit sa patalim para makapag-ipon ng pera at makapapatuloy ng pag-aaral.

Ayon kay Ava, nag-enjoy siyang katrabaho si Wilbert sa 5 in 1.

Aniya, “Yes po, masaya kasama si Wilbert kahit hindi pa kami nagkakatrabaho.”

Dagdag ni Ava, “Sa 5 in 1, ako po si Maria Osaka, anak po ng mayamang negosyante, bale nag-iisang anak.”

Mas okay ba sa kanya ang sex comedy, kaysa sex-drama movie?

Esplika ng sexy actress, “Lahat naman po okay sa akin, pero gusto ko rin po mabigyan ng role na mapapansin ‘yung arte ko, iyong pure acting po talaga at hindi lang dahil sa nagpapa-sexy ako sa mga pelikula ko.”

Nabanggit din niya ang dream role, “Iyong dream role ko, gusto kong maging action star and maging real deal action star na ako mismo ang gagawa ng stunts ko sa movie.”

Nalaman din namin sa Vivamax star na bukod sa pagiging athletic niya, dati siyang nag-training sa martial arts.

“Yes po, before ako naging artista, fitness influencer po ako. Up to now, pero hindi na ako nagko-compete ng Spartan race dahil sa sunod-sunod na project at nagte-training din ako ng martial arts,” pahayag ni Ava.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …