Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Jennings Tara G

Anthony Jennings pang-leading man ang appeal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-LEADING MAN appeal. Ito ang iisang nasabi namin nang makita si Anthony Jennings sa media conference ng Tara G, ang pinakabagong original series ng iWantTFC kasama sina Daniela Stranner, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito, CJ Salonga, at Zach Castañeda. Sila ang mga tin-edyer na magbibigay saya, kilig, at aral. 

Matangkad, gwapo, at malakas ang appeal ng youngstar bagamat kapansin-pansin ang pagiging mahiyain. Lalo na nang sabihin sa kanyang pang-leading man siya.

“Wow! Nakakaiyak, nakakakilig,” nakangiting sagot nito. “Puro pagpapasalamat lang ang kaya kong ibigay. Tingnan natin kung ano ang mangyayari,” dagdag pa nito.  

Kuwento ni Anthony, kinakarir niya ang pagpapaganda ng katawan para kapag nabigyan siya ng break ng ABS-CBN ay handa at nasa kondisyon ang kanyang pangangatawan.

Pero aminado ang binata na marami pa siyang dapat gawin o patunayan para maihilera sa mga magagaling na aktor ng Kapamilya Network tulad nina Piolo Pascual, Daniel Padilla at iba pa.

May mga dapat pa akong aralin. I think natututunan ko nang mabilis compared before. Nag-grow naman ako,”anito.

Samantla samahan ang Team WISE o “Walang Iwanan Sa Ere,” isang tropang nangangarap umasenso at gustong pagandahin ang buhay nila sa La Guerta sa pamamagitan ng paggawa at pagbenta ng kape bilang beans at coffee wine. 

Ang Team Wise barkada ay binubuo nina si Rocky (Anthony), ang gwapong lider; Legs (Kaori), ang mabait at tila prinsesa na dalaga; Dan (JC), ang sweet lover boy na may gusto kay Legs; Jengjeng (Vivoree), ang sweet at kikay na babaeng may big dreams; Will (Zach), ang mahilig magpatawa pero laging maasahan at maalaga sa kapatid niyang si Smith (CJ), na siya namang pinakamatalino sa grupo.

Solid ang pagkakaibigan nila pero mayroon din itong kasamang problema at lungkot. Isa na rito ang pagdating ni Cars (Daniela), isang maganda at mayaman ngunit masungit na babae. Magdadala si Cars ng gulo sa La Guerta nang malasing ito at mabasag niya ang lahat ng coffee wine bottles na pinaghirapan ng Team WISE.

Masusubukan din ang samahan nila dahil sa pag-ibig. Bukod sa itinatagong inggit ni Dan sa pagiging malapit nina Rocky at Legs, mukhang hindi rin inaasahan ni Rocky na mahulog ang loob niya kay Cars. 

Ang Tara, G! ay idinidirehe ni Cathy Camarillo at mapapanood na simula Oktubre 7 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. Ito ay mula sa panulat ni Tina Lata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …