Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman

Sean de Guzman Best Actor na naman; Christine at Jela palaban

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING nakatanggap ng Best Actor award si Sean de Guzman mula pa rin sa pelikulang Fall Guy. Ito’y mula sa Anatolian Film Awards sa Turkeybilang Best Actor Feature Film.

Unang nakakuha ng international award si Sean nang itinanghal ding Best Actor sa Chithiram International Film Festival sa India para sa pelikulng Fall Guy

Ang Fall Guy ay ipinrodyus ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at ng Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Sa kasalukuyan, mapapanood si Sean sa Relyebo kasama sina Christine Bermas at Jela Cuenca na hatid pa rin ng Vivamax.

Ayon kina Christine at Jela mas naglalagablab at mas magiging palaban sila rito sa Relyebo kompara sa Island of Desire na una nilang pinagsamahan.

Ang Relyebo ay isang sexy-thriller movie na ipinrodyus ng cult director na si Roman Perez Jr. at idinirehe ni Crisanto Aquino.

Gagampanan ni Christine si Amor, isang saleslady na ka-live in ni Sean (Jimmy), na isa namang security guard.

At dahil sa gabi ang trabaho niya at sa araw naman ang trabaho ni Christine nagkikita lang sila sa umaga pagdating.

Si Jela naman ang gaganap na misteryosang babae na nakatira sa condominium na pinagtatrabahuan ni Sean bilang security guard.

“Maganda ‘yung role ko kasi mahiwagang babae si Miss F. Unlike other condo tenants na regular ang schedules ng pag-alis at pag-uwi, si Miss F, erratic ang schedule kaya naiintriga lalo si Jimmy.

“Ako naman, napansin ko agad na pinagpapantasyahan niya ako and willing akong makipaglaro sa kanya.

“I invite him to my bed pero may matutuklasan siya about me and my work at ito ang siyang babago sa takbo ng buhay niya,” ani Jela sa isinagawang mediacon.

Ani Sean sa kanyang karakter, “‘Yung character ko rito, hindi satisfied sa live in partner kong si Christine na mabait na, sexy pa, kaya naghanap pa ng iba.

“Nabo-bore kasi siya sa trabaho niya as security guard sa condo kaya ayun, nagpa-fantasize siya about ‘yung sexy tenants na nakikita niyang dumaraan sa harapan niya.

“At ‘yun, na-involve siya kay Jela without knowing na mapanganib pala ang babaeng ito at magdudulot ng kaguluhan sa buhay niya.”

At nang matanong ang award winning actor sa kung ano ang natutunan niya sa pelikulang Relyebo. “Siguro, the message is dapat matuto kang makuntento with what you have.

Bukod kina Sean, Jela, at Christine kasama rin sa pelikula sina Jeric Raval, Lara Morena, Carlene Aguilar, Jeffrey Hidalgo, at Juliana Parizcova Segovia. Mapapanood na ang Relyebo sa Vivamax simula sa October 14.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …