Friday , November 15 2024

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD)? At bilang isang magulang ay nag-aalala kung paano na ang kinabukasan ng bata lalo na’t hindi pa siya nakatatapos ng pag-aaral – high school man o kolehiyo?

Inaalala mo rin bilang magulang kung paano siya makatapos sa pag-aaral kahit sa high school man lang o senior high?

Well, huwag pong mag-alala dahil may good news si QCJMD warden, J/Supt. Michelle Bonto sa inyo. Magandang balita na magbibigay pag-asa sa inyong anak paglabas niya sa piitan.

Dahil nga ang piitan ay isang rehabilitation place at hindi impiyerno, patuloy na ginagampanan ni Bonto ang kanyang responsibilidad para bigyan pag-asa ang mga PDL na ipinagkatiwala sa kanya bilang warden.

Maraming programa si Bonto para sa QCJMD na malaki ang naitulong sa inmates. Nandiyan ang para sa kalusugan – bakuna laban sa COVID 19. Iyan ay sa tulong ng QC government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, gera laban sa droga para hindi malulong sa bisyo ang mga inmate, nandiyan ang iba’t ibang klase ng paligsahan – tulad ng palakasan, dula-dulaan, paligsahan sa pagguhit at iba pa. Higit sa lahat ay religious activities.

Iyan lang ang ilan sa mga nauna at patuloy na programa ni Bonto sa QCJMD… at ngayon, sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Joy sa QCJMD na nasa ilalim ng Bureau of jail Management and Penology (BJMP) na pinamumunuan ni Director Allan Iral, karagdagang programang pang-edukasyon na makatutulong sa inmates ang regalo sa kanila ni Mayor Joy.

Bagamat mayroong alternative schooling sa loob, ngayon ay maipagpatuloy na ng mga PDL ang kanilang basic education sa pamamagitan ng kauna-unahang senior high school program sa piitan sa tulong ng Schools Division Office (SDO).

Kamakailan, nagkaroon ng pirmahan ng pagkakasunduan ang QC LGU, QCJMD, SDO at ang Fernando C. Amorsolo Senior High School para sa programang edukasyon para sa inmates.

Ang pagkakasundo ay dinalohan nina QC Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, QCJMD Warden J/Supt Michelle Ng Bonto, Asst. Schools Division Superintendent Dr. Brian Ilan, at Fernando C. Amorsolo Senior High School Principal, Mr. Larry M. Castro.

“Karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Dito sa lungsod, hindi tayo papayag na maging hadlang ang katayuan o sitwasyon sa buhay para hindi makapag-aral. Sa QC, ang edukasyon ay pantay, inklusibo, at bukas para sa lahat,” pahayag ni Mayor Joy.

Nakasaad sa pinagkasunduan, ang mga eskuwelahan sa tulong ng QC government ay magkakaroon ng karagdagang kaalaman ang mga inmate patungkol sa technology, vocational and livelihood (TVL), strand specializing in Home Economics (HE) – Bread and Pastry Production, Cookery and Commercial Cooking; Information and Communications Technology (ICT) – Animation and Computer Programming and Shielded Metal Arc Welding (SMAW).

Sa pagtatapos, mabibigyan ang mga PDL ng National Certificate Level II (NC II) kapag maipasa nila ang competency-based assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Ang ating mga institusyon tulad ng QC Jail ay nagsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga mamamayan na nagbabagong-buhay. Habang narito sila, tinutulungan natin sila ng iba-ibang kakayahan o skills na magagamit sa kanilang reintegration sa komunidad,” pahayag ng Alkalde.

Sa patuloy na pagsuporta ng city government sa QCJMD, lubos na nagpapasalamat si Bonto. Aniya, ang tulong ay nakapagbibigay buhay, morale at pag-asa sa  PDLs maging sa personnel na QCJMD.

“The K to 12 program is a new program over and above the Alternative Learning System (ALS) program for Elementary and Junior High School competencies. The city government is also prioritizing the inclusion of technical, vocational and livelihood training and other aftercare initiatives that aim to positively transform the lives of PDLs to become productive QCitizens upon their release,” pahayag ni Bonto.

Ngayon, sa mga magulang na nag-aalala sa kanilang anak na nakakulong sa QCJMD, huwag nang mangamba dahil sa inyong anak na nasa mabuting pangangalaga ni Bonto sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan. Ang anak ninyong hindi pa nakapagtapos, hayun paglabas niya sa piitan ay graduate na siya ng senior high. Hindi lang ito, kung hindi kompletong pagbabago na siya dahil tanging  gustong mangyari ni Bonto sa kanyang mga “anak.”  Aniya’y nasa loob man ang PDLs ay magkakaroon pa rin sila ng pag-asa.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …