MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the age of 4 ay nagkaroon na siya ng crush. At i to ay si Paul Salas.
Kuwento ni Andrea, nag-audition siya noon sa defunct series na Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera. Pero hindi siya nakuha.
Nakita naman siya ni Dingdong Dantes at kinuha siya para makasama sa wedding video ng kapatid nito. Nandoon din daw si Paul. At nang makita niya ito, nagka-crush na siya agad dito.
Ang young actor nga ang kanyang first ever crush na artista. At that time na 4 years old pa lang siya, ay may crush na.
Pero gusto niyang iparating kay Paul, na kung mapapanood nito ang interview niya, ay hindi niya na ito crush. At huwag daw itong feeling. Ha!Ha!Ha