Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner for life ang Hunk actor na si Piolo Pascual. Pero alam n’yo bang hindi siya naiinipo naghananap? Okey lang kasi sa kanya ang maging single.

Ito ang naibahagi ni Piolo nang ilunsad siya kamakailan bilang pinakabagong endorser ng Koreisu Toothpaste ng Beautederm.

Pagtatapat ni Piolo, hindi hinahanap ang magiging partner for life kundi kusa iyong dumarating. “Hindi naman natin hinahanap ‘yun. ‘Pag dumating, doon na natin nahanap iyon.

“Pero sa ngayon okey naman ako. Nasanay na rin sigurong mag-isa. It’s not something that I’m excited to have or something that I would want to have. But for now, i just want to focus on myself and see what I can do. Sanay na po talaga akong mag-isa. Hindi ko na alam kung darating pa,” sambit pa ng magaling na aktor.

Sinabi pa ni Piolo na okey lang kung maunang mag-asawa sa kanya ang anak na si Inigo.

“I guess my son and me are the same in terms of career-driven. I know this time he wants to focus on his career and have the opportunity to grow in this business. So kung sasabihin niyang gusto na niyang magpakasal, I’d be happy for him. I’’ be there to support him through and through,” giit pa ng aktor.

Samantala, patuloy ang pagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa kanilang ika-13 anibersaryo sa pormal na paglulubsad kay lPiolo bilang ambassador ng pinakabagong set ng oral care essentials na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

Developed, tested, at manufactured ito sa Japan, ang KO-REI-SU ay kumbinasyon ng mga salitang Hapon na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Ito ang ikatlong taon ni Piolo bilang isa sa mga A-list endorsers ng Beautéderm.

Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health,” ani Piolo. “Ang mga ito ay all-natural products na ‘di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa germs at viruses. Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” dagdag pa ng aktor.

Sobrang excited naman si Ms. Rhea na makasama si Piolo sa Beautederm family sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon. “Who doesn’t love Piolo? No one could ever argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men. Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference,” sambit ni Ms. Rhea. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …