I-FLEX
ni Jun Nardo
TINITIMBANG-TIMBANG ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Santiago ang pros and cons sa nagsa-suggest na palawakin ang sakop ng agency na isama ang online video streaming services.
Sa press release ng MTRCB, idini-discuss ito ng board at i-assess ang impact ng legislator’s call na palawakin ang jurisdiction ng board.
Ayon kay Chairperson Sotto. Maglalabas sila ng balanced and fair position.
Marami na raw grupo na karamihan ay concerned parents na nagsasabi sa MTRCB na dapat ay maging subject sa regulation nila.
“We will balance all the concerns raised by various groups. I assure the public that the MTRCB shares everyone’s desire to ensure that children are not exposed to contents that is not appropriate for their age,” paliwanag ni MTRCB Chair Sotto-Antonio.