Saturday , November 23 2024
Kim Chiu Xian Lim Always

Kim Chiu, may kakaibang challenge sa movie nilang Always ni Xian Lim

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULI tayong pakikiligin at sasaktan ng isa sa pinakasikat na love team sa bansa, sina Kim Chiu and Xian Lim, sa kanilang pinakahihintay na big screen reunion.

Mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang adaptation ng hit Korean movie na Always ngayong September 28, 2022. Pero ngayon pa lang, hindi na magkamayaw ang mga tao sa kakaibang biyahe ng pag-ibig na ipakikita sa atin ng tambalang KimXi.

Sa presscon ng Always ay nabanggit ng aktres ang nararamdaman niyang kakaibang challenge sa movie nila ni Xian.

Pahayag ni Kim, “Ako naman ay very-very thankful na this is my first movie under Viva Films, finally ay napayagan akong gumawa outside sa ABS and nabigyan ng Korean adaptation movie, and with Xian pa, na direktor na rin now, kaya gina-guide niya rin ako.

“Kasi sometimes, nakakalimutan ko na bulag pala ako sa film, kaya sorry naman… so ‘yung mga ganoong bagay, gina-guide niya ako,” sambit ni Kim patungkol kay Xian.

“This is also one of the biggest challenge na haharapin namin ni Xian, aside from our comeback, is ‘yung i-comeback namin ang mga tao (sa sinehan) na panoorin ang local movies sa sinehan.

“Kapag narinig kasi natin ngayon, after ng pandemic, ‘May movie manonood tayo ng sine’, Hindi ba parang mga Marvel ang pinapanood ng mga tao? So sana this time, maengganyo namin ang mga tao to go to the movies and watch our movie in the big screen.”

Dagdag ng aktres, “Kasi mas maganda, mas malaki, kasama mo ang loved ones mo, mag-iyakan kayo roon, magtawanan, ma-in love, hindi ba mas masaya? And after niyon, kakain kayo sa labas.

“Na-miss din natin iyong ganoong feels… Before pandemic, parang ang hilig din nating manood ng movies. Sana this time, makapag-fave way kami sa Philippine cinema na pumunta uli ang mga tao to watch movie sa cinema.”

Ang orig na Always ay pinagbidahan ng sikat na Korean film and TV stars na sina Jo Ji-Sub (Oh My Venus, Doctor Lawyer) and Han Hyo-Joo (Dong Yi, W). May ilang adaptations na rin ito sa ibang bansa gaya ng Turkey, India, at Japan.

Ito ay isang romantic drama movie tungkol sa dalawang taong may magkaibang pananaw sa buhay, na parehas na winasak ng malupit na mundo. Paglalapitin sila ng tadhana at pagkakataon, dahil sa pagpunta ni Anna (Kim), isang bulag, sa tambayan nitong parking booth para makipagkuwentohan sana sa kaibigan nitong si Tang, ay iba na palang attendant ang nakapuwesto rito, si Lino (Xian), isang dating boksingero na misteryoso at mukhang may malalim na pinagdaraanan.

Kahit na masungit at hindi naging maganda ang pakikitungo ni Lino ay hindi pa rin aalis si Anna at babalik pa nga sa mga susunod pang mga gabi para tumambay sa parking booth ni Lino.

Sa pagitan ng mga matipid na kuwentohan at pinagsasaluhang pagkain, unti-unting magiging komportable si Lino kay Anna at magiging magaan ang pakiramdam niya sa dalaga, isang bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman. Sa paglipas ng mga araw, mas magiging mapag-alala at mas maalaga si Lino kay Anna, at parehas nang mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

Pero ang nagsisimula pa lang nilang pag-ibig ay agad na susubukin dahil sa madilim na nakaraan ni Lino at mga pansarili nitong problema. Iiwan niyang mag-isa si Anna, na puno ng mga tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila. Muli bang magtatagpo ang kanilang landas at madudugtungan ang kanilang pagmamahalan?

Kahit madalas na tayong kiligin sa sweet posts nila sa social media tungkol sa isa’t isa, matagal na rin mula nang makitang magkasama ang dalawa sa isang project. Pero ngayon, the long wait is finally over dahil ready na sina Kim at Xian na ibahagi ang one-of-a-kind story na gagawin at ibibigay ang lahat para sa pag-ibig.

Ang Always ay adapted into screenplay by award-winning writer, Mel Mendoza- Del Rosario, at sa direksiyon ng batikang direktor na si Dado C. Lumibao. Produced by Viva Films, see, hear, and love in all ways, Always, sa mga sinehan ngayong September 28, 2022.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …