Sunday , November 17 2024
Gretchen Ho Woman In Action

Gretchen Ho tunay na Woman In Action 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULA sa pagiging isang college star athlete hanggang sa maging isang respetadong news anchor at sports host, nakilala si Gretchen Ho sa mga larangang malapit sa kanyang puso. Dahil sa kanyang mga proyekto at advocacy na nagbunga ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao, siya’y tinagurian bilang isang “woman in action.” 

Ngayong Oktubre, abangan ang paglalakbay ni Gretchen sa kanyang bagong infotainment show na Woman In Actionna dadayo siya sa iba’t ibang lugar hindi lamang para tuklasin ang magagandang tanawin kundi para ibahagi ang mga naiibang kuwento ng bawat komunidad at magbigay inspirasyon sa mga tao para umaksyon at tumulong sa sitwasyon ng mga tao sa bawat lugar. 

“I’ve found that traveling is best done by going off the beaten path. As a runner, I’ve made it a point to run in each destination I go to, and the streets always reveal something that tourist destinations won’t. It’s in connecting with the people that we really understand and learn about a place. What you will find in this show is not just a sense of adventure, but also a desire to create sustainable impact everywhere we go. That impact isn’t a one-way street though, as we, together with the audiences, seek to be moved and changed by what we see, hear and know,” ani Gretchen.

Simula Oktubre 1, dadalhin tayo ni Gretchen sa isang nakae-engganyong paglalakbay at pagtuklas. Sa pinagsamang hilig ni Gretchen sa travel, adventure, at serbisyo publiko, tatalakayin sa kanyang bagong show ang mga sitwasyon sa mga lugar mula sa mga kuwento ng iba’t ibang indibidwal at komunidad. 

“What I’ve found in my years working in the media is that there are many young brilliant people all over the country just waiting for an opportunity. My show seeks to be a vehicle for that – to connect those people to local communities and to our audiences, in an effort to create, not just memories, but also, opportunities. I’m excited for this chance to be able to write and document some of the stories and take a more active part as producer of the show”, dagdag ni Gretchen.

Tunay ngang isang Woman in Action si Gretchen, mula pa sa kanyang college volleyball days hanggang sa kanyang kasalukuyang hosting career. Dahil sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa, siya ay nagsisilbing isang icon para sa mga empowered women ng bagong henerasyon. Ang tagumpay ng kanyang kampanyang #DonateABikeSaveAJob ay nakatulong sa isang libong pamilya dahil sa mahigit 1,500 na bisikletang naipamigay sa mga frontliner at manggagawa noong kasagsagan ng pandemya. Isang inspirasyon si Gretchen sa mga kababaihan na manatiling tapat sa kanilang tungkulin, pagtibayin ang lakas ng loob, at pagtagumpayan ang kanilang mga pangarap.

‘Changing the world: one story, one action at a time,’ hinihikayat ng Woman In Action na maging socially responsible travelers ang mga Filipino at umaksiyon para makatulong sa mga komunidad. Samahan si Gretchen Ho sa kanyang paglalakbay sa Woman In Action, simula Oktubre 1, 7:30 p.m. sa One News via Cignal, available on CH. 8 SD at CH. 250 HD. Mapapanood din ang Woman in Action sa SatLite Channel 60 at sa Cignal Play app. Mapapanood din ito kinabukasan sa One PH, Channel 1, 8:00 p.m..

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …