Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake.

Ito ang ibinahagi ng Ultimate Heartthrob nang ilunsad siya bilang pinakabagong endorser ng Koreisu Toothpaste ng Beautederm.

Anang magaling na aktor, handa siyang makipag-collab at makipagtrabaho kay Zeinab. 

Naunang nagsabi na gustong maka-collab si Piolo ni Zeinab nang ilunsad din ito bilang endorser ng Beautederm.

Samantala, patuloy ang pagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa kanilang ika-13 anibersaryo sa pormal na paglulubsad kay lPiolo bilang ambassador ng pinakabagong set ng oral care essentials na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

Developed, tested, at manufactured ito sa Japan, ang KO-REI-SU ay kumbinasyon ng mga salitang Hapon na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Ito ang ikatlong taon ni Piolo bilang isa sa mga A-list endorsers ng Beautéderm.

Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health,” ani Piolo. “Ang mga ito ay all-natural products na ‘di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa germs at viruses. Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love.”

Sobrang excited naman si Ms. Rhea na makasama si Piolo sa Beautederm family sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon. “Who doesn’t love Piolo? No one could ever argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men. Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference,” sambit ni Ms. Rhea. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …