Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JoRox ikinokompara sa John en Marsha

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CLICK pa rin hanggang ngayon ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap . Patunay dito ang pag-alagwa at pamamayagpag ng iWantTFC original series na Hoy, Love You na ngayon ay nasa season 3 na.

Kapwa hindi inaasahan ng JoRox na tatangkilikin muli ang kanilang balik-tambalan.Kaya naman hindi maiwasang ikompara at sabihing sila ang bagong John en Marsha ng tambalan nina Dolphy at Nida Blanca.

Siyempre, pangmalakasang level ‘yun. Pero ime-make sure namin na tatatak din kami as JoRox. Privileged at advantage sa amin na ganoon. Pero siyempre, pressure ‘yun,” pag-amin ni Roxanne.

Sinabi pa ni Roxanne na, “Malaking factor talaga kapag original loveteam kayo. Kahit anong i-break sa inyo, kahit i-partner sa iba, mag-e-end up kayo pa rin. 

“‘Yung rapport, ‘yung chemistry, alam na namin ‘yung isa’t isa. Kahit may kanya-kanya na kaming pamilya, alam namin. Lagi  rin akong gina-guide nito. Minsan nga siya na nagdadala sa akin (Joross). Wala ng ilangan,” dagdag pa ni Roxanne.

Iginiit naman ni Joross na hindi lamang ang JoRox ang dahilan ng tagumpay ng Hoy, Love You. Bawat isa sa mga kasama nila na bumubuo sa serye ay may kanya-kanyang kontribusyon. 

Ang tinutukoy ni Joross ay sina Brenna Garcia, Aljon Mendoza, Yamyam Gucong, Hasna Cabral, Keanna Reeves, TJ Valderama, Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Ritz Azul, at Lou Veloso.

Ang maganda rito, hindi about JoRox ‘yung palabas. Kaming lahat dito. Kumbaga, ang bida rito is ‘yung istorya na ikinukuwento ng ‘Hoy’ family,” sambit pa ni Joross.

Kaya sa pagbabalik ng JoRox three times the fun at kilig ang handog nila sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng Hoy, Love You.

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) sa Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC. 

Ang Hoy, Love You ay idinidirehe ni Theodore Boborol sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …