Monday , December 23 2024
Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa rape case ng ng aktor/TV host.

Ani Tanya na halata ang panlulumo sa mga biglaang pagbuhay ng kaso ng kanyang asawa na takot siya sa mga mensaheng nakikita niya lalo na sa mga taong hindi naniniwala kay Vhong.

Ang pagharap ni Tanya sa entertainment media ay kaugnay ng pagsuko at pagkakulong kay Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center dahil sa kasong rape na isang non-bailable na kaso.

“Takot ako sa mga message na iyon kaya I’d rather not read pero ‘yung mga friend na nagbibigay ng mga mensahe nakatutulong iyon para makapagbigay sa akin ng lakas, kaya sobrang thank you,” anito.

Pero inamin nitong hindi siya ganoon ka-strong ngayon dahil sa mga nangyayari. “I am not that strong. I only appear strong for Vhong.”

“Hindi ako pumasok sa commitment na magpakasal sa kanya o makasama siya for nothing. Noong nangyari ito mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo. Kaya pinakasalan ko pa rin siya. So lalaban ako for him!” giit pa ng asawa.

Nagpahayag pa si Tanya ng pag-aalala sa panawagang ilipat si Vhong sa Taguig City Jail. “I fear for his safety doon, kaya I pray na roon muna siya,” giit ni Tanya.

Idinagdag pa ni Tanya na nakaramdam siya na parang walang kalaban-laban sa nangyayari ngayon sa kanyang asawa. “We suddenly feel attack na parang wala kaming kalaban-laban, kasi nga saan galing?”

Nang hingan ng mensahe si Tanya para sa kalaban ni Vhong, “Ang gusto ko lang sabihin, alam naman nila kung ano ang totoo. Alam nila, so sa akin may kasalanan si Vhong, sa akin. Inamin niya iyon mula noon. So, sa akin siya may atraso. Pinatawad ko iyong tao and for the last eight years bumabawi siya. 

“We got married ‘yun ‘yung ano, akala ko ‘yung eights years na iyon na parang tapos na iyong kaso, nagpakasal pa kami, sobrang importante niyon sa akin kasi bumabawi siya and then this happened,” mangiyak-ngiyak na pahayag pa ni Tanya.

Nang matanong naman kung ano sa palagay niya kung bakit after eight years ay biglang nabuhay ang kaso? “ I really can’t answer that, ang daming naglalaro sa isip, pero I’m not in the position to answer that. Baka hindi ko mapatunayan iyong sasabihin ko right now pero ang daming naglalaro sa isip ko.”

Pero iginiit pa rin ni Tanya na sampalataya pa rin siya sa justice system. “Yes of course, kaya nga everytimem just imagine the frustration kaya nga parang gulat eh, kasi naniwala ka roon sa justice, at naniwala ka  at umasa kang mararating mo iyong end, ganoon kami lumaban since the very beginning.  Hindi ka naman mapu-frustrate o hindi ka naman madi-disappoint kung hindi ka naman naniniwala sa justice. 

“So I still believe. Naniniwala akong mapapawalang sala si Vhong,” susog pa ni Tanya.

Sa kasalukuyan walang pang itinakdang arraignment kay Vhong kaya hindi pa nila alam kung hanggang kailan ito mananatili sa NBI. 

Idinagdag pa ni Tanya na iba-ibang klase ang naramdaman niya lalo noong hindi agad nakauwi si Vhong nang mag-bail sila. “May mga iba-ibang shift ng emotions. Early afternoon I was hoping we were able to go home kasi magbi-bail kami. Pero pa-late afternoon alam mo kasi ‘yung kalaban mo. So may feeling ka na may pasabog. So inaabangan mo ang pasabog. And it happened, back to back na warrant. Kaya lang andoon ka pa rin sa hindi na pala siya makakauwi dire-diretso na.”

Sa pangyayaring ito, pareho na silang emosyonal si Vhong pero sinabi ni Tanya na hindi siya umiyak sa harap ni Vhong. “Even dati pero iyon kasi may sarili rin akong galit sa kanya before kasi mixed iyon eh. So may galit, kasi nambabae, pero naaawa ka sa kanya at you don’t deserved it. Iyon ang nakikita mong situation. Tapos hindi mo siya iiwan at that point. So ang iyak mo roon halong galit at frustration. 

Pero hindi ko ipinakikita sa iyon. Pero this time hindi ko makuha iyong tapang. Hindi ko ma-contain buong ano talaga, iyak lang kami ng iyak kasi nga ‘yung disbelief, grabe. Mas matapang ka kapag alam mong controlled mo ‘yung playing ground, pero this time hindi mo alam kung nasaan ang kalaban tapos tira lang sila nang tira, ganoon iyong feeling. 

“Bilin, mabilisang bilin. Lagi kang mayroong…alam ko namang ongoing ito at positive ka naniniwala ka sa justice hindi ka na mapupunta roon sa ‘o kapag nakulong ako…’ no. Pero andyan na, bigla ang mga bilin sa bahay, sa anak,” kuwento pa ni Tanya.

Naikuwento rin ni Tanya na nahirapan siya sa pag-explain sa kanilang mga anak ng nangyari sa kanilang daddy. 

Ang tagal kong ini-ready ang sarili ko bago ko sila kausapin, kasi sabi ko na hindi pwedeng hindi ako nakakatapos ako ng sentence na iyak ako ng iyak, bumigay pa rin ako. Ayaw ko sanang umiyak sa harap nila kasi gusto kong isipin nila na okey si daddy nila, at okey ako, kaya ko.” (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …