Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang si Inah ng kasintahan nitong si Jake Vargas. Hindi na raw nagulat si Janice sa tsismis sa kanyang panganay dahil pinagdaanan din niya ito noon.

“Ako rin naman, natsismis dati na nabuntis, bago ako nagbuntis, ‘di ba?” sabi ni Janice sa interview sa kanya ngPep.ph.

“Itong isyung pagbubuntis ay mahirap itago sa panahon ngayon dahil sa social media.

“Wala naman. Parang wala naman. Kung mangyari ‘yun, eh, ‘di magkakaroon lang uli ako ng apo.

“Kung magbuntins man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na ‘yun.

“Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”

Hindi isyu sa kanila sakaling mangyari ito kay Inah dahil nasa tamang edad na nga ito.

Aniya pa, “Wala akong ini-impose na dapat nilang gawin sa buhay. Wala akong ganoon.

“Kasi, I cannot be quick to judge. Kasi, 18 po, buntis ako, wala naman akong asawa ‘di ba? Tapos, nahiwalay pa ako. Nagbuntis uli ako.

“Talaga? Ako pa ba ang magiging judgmental sa ganyan, ‘di ba?

“Kung magbuntis man siya ngayon, 30 na siya, 18 lang ako,” napapangiting sabi pa ni Janice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …