Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Start-Up Ph

Yasmien kinuwestiyon ang sarili bago tanggapin ang Star Up Ph

RATED R
ni Rommel Gonzales

LABIS ang tuwa ni Yasmien Kurdi na isa siya sa mga bida sa Start-Up Ph ng GMA.

Pero noong una palang inalok sa kanya ang role ay nagduda si Yasmien.

“Kasi noong in-offer sa akin itong ‘Start-Up,’ noong sinabi nga na I’ll be playing Won In-jae na si Ina Diaz sa Philippine version talagang tinanggap ko ho agad!

“Pero kasi sabi ko, noong una pressure siya, sabi ko, ‘Kaya ko ba?’

“Tapos pinanood ko uli, inulit ko uli, sabi ko, ‘Parang kaya naman. Sige game, go!’

“So, sobrang saya ko na naibigay sa akin itong role na ‘to,” bulalas ni Yasmien na aminadong tagahanga ng mga Korean drama series.

Mga bida rin sa Start-Up Ph sina Alden Richards bilang si Tristan Hernandez (papel ni Kim Seon-ho bilang Han Ji-pyeong sa Korean version), Bea Alonzo na gaganap naman sa papel ni Dani Sison na orihinal na papel ni Bae Suzy (Seo Dal-mi sa Korean version), at Jeric Gonzales bilang Davidson Navarro (papel ni Nam Joo-hyukbilang si Nam Do-san sa Korean version).

Mapapanood ang Start-Up Ph bago ang What We Could Be  simula sa September 26 sa GMA Telebabad na idinirehe nina Dominic Zapata at Jerry Sineneng.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …