Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dr Michael Aragon Jeremiah Palma KSMBPI

Horror movie para sa SocMed housemate lalarga na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KASADO na ang pelikulang magpapakita ng husay sa pag-arte ng mga sumabak sa reality show na SocMed House: Bahay ni Direk Miah (Jeremiah Palma, direktor), isa sa proyekto ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas (KSMBPI) Film Division. Ito ang inihayag ni Dr Michael Aragon, founding chairman ng KSMBPI sa lingguhang Showbiz Kapihan sa Max’s Restaurant.

Ani Doc Aragon, “Silang 40 housemates ay kasama sa movie. Ang mga role nila ay base sa kanilang magiging ranking sa show which will be based via online voting.

“‘Yung pinakamataas na score ang magiging bida,” sambit ni Doc Michael.

Isang horror film ang gagawin ng mga ito na ang tentative title ay Ang Seksing Multo sa SocMed House.

Napapanood ang reality show na SocMed House: Bahay ni Direk Miah sa Facebook page ng KSMBPI at sa KRTV Youtube Channel. Dito’y 10 housemates ang inilalagak lingo-lingo na sumasailalim sa training, workshop, at iba pang pagsubok na hahasa sa kanilang husay sa pag-arte.

Sinabi pa ni Doc Michael na de kalidad ang pelikulang gagawin nila para sa mga socmed housemates na maipagmamalaki hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa international market.

“We would like to let the world know that Filipino filmmakers are way, way capable and can deliver. Pinag-aralan talaga namin ito nang husto and every now and then ay may changes kaming ginagawa sa pelikula para mas mapaganda pa,” paliwanag pa ng founding chairman ng KSMBPI.

Target ng KSMBPI na makagawa  ng pelikula buwan-buwan. Ang unang pelikulang nagawa nila, ang Umbra na idinirehe ni Jeremiah ay nanalo ng dalawang international awards. Ito’y ang Best Director sa Roshani International Film Festival at sa Venus International Film Festival sa India.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …