Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Bea Alonzo Alden Richards

Yasmien happy na maging kapatid si Bea sa isang serye

I-FLEX
ni Jun Nardo

TINANGGAP agad ni Yasmien Kurdi nang sabihan siyang mapapabilang sa cast ng local TV adaptation ng Korean drama na Start Up. Fan ng K drama si Yasmien at napanood na rin niya ang original series kaya sinunggaban niya agad ang offer.

“Kasi sabi ko, noong una, pressure siya. Kaya ko ba?

“Pinanood ko uli. Inulit ko uli. Sabi ko, parang kaya naman, Sige, go!

“So sobrang saya ko naibigay sa akin ang role na ito,” saad ni Yasmien sa presscon/special screening ng Start Up.

Magkapatid sina Yas at Bea Alonzo sa series. Pero may kompetisyon sila.

“Siyempre, sobrang happy ko na nakatrabaho ko si Bea. Certified Kapuso na siya.

“Lagi  nilang sinasabi na magkamukha kami ni Bea even before noong nasa ABS siya.

“Marami pa nga akong stories. Pumunta ako one time, shooting sa Basco. May shooting sila roon. I don’t know sila yata ni John Lloyd (Cruz).

“Nagsu-shoot din kami roon ng ‘Bakekang.’ Akala ko, GMA lang ang nagti-taping.

“So pumasok na ako sa loob ng tent. Nag-set up lahat-lahat. Inilagay ko na higaan ko. Natulog na ako.

“Tapos, nilapitan ako ng PA. ‘Miss Yas, hindi ho kayo rito.’ ‘Ha, may taping kami.’ Set po ito nina Bea Alonzo.’ Ha! Ha! Ha!

“Hindi ko inisip na one day  magkakatrabaho kami dahil nandoon siya sa kabila. Ito na ang hinihintay ng fans na sana magkapatid kami. Happy ako! Maraming first time ko nakatarabaho rito.

“At saka na-portray ko ‘yung role na gusto ko sa ‘Start Up,’” sabi pa ni Yasmien.

Sa September 226 ang simula ng series na unang pagsasamahan nina Bea at Alden na base sa aming napanood, lumabas din ang kanilang instant chemistry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …