Wednesday , May 14 2025
arrest, posas, fingerprints

Wanted na dating rebelde nakalawit
MIYEMBRO NG QRT TIMBOG SA PAMAMARIL

Magkasunod na inaresto ang isang dating rebeldeng pinaghahanap ng batas at isang miyembro ng Quick Response Team (QRT) dahil sa walang habas na pamamaril sa ikinasang police operations sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 17 Setyembre.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 01:53 ng hapon kamakalawa nang madakip sa isinagawang manhunt operations ng tracker teams ng Malolos CPS katuwang ang 301st MC RMFB3, 103 MC RMFB1, PIU Bulacan, 24SAC SAF, 702nd Brigade NISG-NL sa Brgy. Pinagbakahan, lungsod ng Malolos ang isang dating rebelde sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ang suspek na si Oscar Agsi, 52 anyos, tricycle driver at residente ng Camp Am-amasan na matatagpuan sa boundary ng Sigay at Gregorio Del Pilar, sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Pinaniniwalaang dating kasapi si Agsi ng ICRC/CTG ng binuwag na KLG SIS ng Alfredo Cesar Command bilang Vice Team Leader.

Dinakip ang suspek sa kasong paglabag sa RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at sa Section 3 ng RA 9516 o Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation or Possession of an Explosive or Incendiary Device na walang itinakdang piyansa.

Samantala, dakong 4:11 ng hapon kamakalawa nang naaresto sa follow-up operation na ikinasa ng mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS ang suspek na kinilalang si Roberto Mercado, 65 anyos, volunteer, at miyembro ng QRT sa Brgy. Muzon, sa lungsod ng San Jose del Monte.

Sinampahan ang suspek ng kasong Frustrated Murder na siyang itinuturong may kagagawan sa insidente ng pamamaril na naganap  sa Sitio Partida ng nasabing barangay dakong 4:00 ng madaling araw ng kamakalawa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …