Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez  Ice Seguerra

‘Awayang’ Sylvia at Ice tumitindi; laglagan bentang-benta 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RUMESBAK na si Sylvia Sanchez kay Ice Seguerra sa ginawa nitong panlalaglag sa kanya sa social media. Talagang hindi na napigil ang magaling na aktres para mag-post din ng nakalolokang piktyur ng magaling na singer.

Sa totoo lang, viral na ang laglagang ito ng ‘mag-ina’ at marami na ang nakisali, natuwa, at naloka dahil benta sa netizens ang pagpapalitan ng maaanghang na salita ng dalawa.

Nag-post si Ice ng mga sleeping photo ni Sylvia sa socmed noong Aug 3 na nasundan noong Aug 12 na ikinaloka ng award winning actres. 

At nitong mismong kaarawan ni Ice, noong September 17 rumesbak si Sylvia. Ipinost ni Sylvia ang mga litrato ni Ice suot ang chest binder.

May caption iyong, “Bwahahahaha akala mo ha! Sexyyyy!!! woot.. wootttt!

“Basta Happy Birthday nak  hahahaha. Love you  @iceseguerra. Asawa mo @lizadino isali ko sa Mr. Universe ito hahahaha!

“Piktyuran mo pa ako tuwing natutulog ako, sige lang! Dami ko ding nakatagong pictures mo! Mas matindi pa dyan!!!! Hahahaha! Happy happy birthday. #masyarika  #becomingice.”

Agad namang gumant si Ice at muli nag-post ng picture ni Sylvia na hindi basta tulog kundi nakanganga pa. Caption nito, “Mahal na mahal kita, Nay. Sana nagustuhan mo rin yung appreciation post ko para sa iyo.” 

Ang picture na ipinost ni Ice ay mula sa anak ni Sylvia na si  Gela Atayde na ‘ibinato’ kay Ice.

Sagot ng premyadong aktres, “G*go ka talaga eh!! Hintay lang sa ganti nak!!!”

“Tarant*do ka talaga Íce Diño Seguerra nak eh, may kakutsaba ka pa dito sa bahay ha.

“Gela Atayde wag ka ng pumasok sa kwarto ko ha! That’s an order!!! Humanda kyong dalawa, akala niyo natatakot ako sa inyo ha. Hintay lang!!!

“Wala ng happy happy birthday giyera na to!!! Nanay versus dalawang anak!!!!” giit pa ni Ibyang.

Maraming netizens naman ang tawang-tawa sa ‘mag-ina’ pero sa huling picture post ni Ice kay Sylvia, mas napansin ang malaking bato sa suot-suot nitong singsing.

Samantala, nagbanta pa si Sylvia na marami pa siyang picture ni Ice na ilalabas kaya wait lang daw tayo. Basta hindi siya magpapatalo kay Ice. Kung hanggang ang laglagan nila, sila lang ang nakaaalam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …